CHAPTER 7:Moving On

9 0 0
                                    

"Valedictorian, Mariz Salazar...!" anunsiyo ng emcee.

Ang bilis ng panahon. Parang kelan lang graduation na. Ngunit habang tumatakbo ang panahon, nakadikdik pa rin sa alaala ko ang lahat...Ang pait at ang kirot sa puso andun pa rin. Ang hirap palang makalimot. Ang hirap kalimutan pati ng taong pilit pa ring umuukilkil sa aking isipan. Galit pa ba ako?Hindi ko pa alam...

"Congrats Mariz!"

"Congrats din Cathy! At last graduate na tayo!"

"Oo nga eh.Parang kelan lang. Pero sad ako kasi hindi ko na makikita si Piolo ng buhay ko," papikit pang yakap niya sa sarili niya.

"Umayos ka nga diyan.Baka Makita ka ni Ma'am Susan. Naku!Ewan ko lang kung ano ang abutin mo," sabay nguso ko sa aming Class Adviser na kanina pa nakatingin sa amin.

"Ayan na nga.Hala ka.Patay! Papunta na dito sa atin..."

"Ha?Asan na si Ma'am?"

"Joke lang...Masyadong ka namang praning," pakutyang tugon ni Cathy.

"Ewan ko sayo.Ang sarap mong sapakin."

"Chill friend...Cool lang. Ang sarap pa naman ng araw mo ngayon kasi ikaw ang Valedictorian ng klase."Ngiting sambit ni Cathy.

"Oo nga friend eh. Parang ito na ang reward ko despite of what happened in the past."

"I'm so proud of you, Mariz. From nothing to valedictorian? Ikaw na talaga," sabay kalabit sa taligiran.

"Ayan ka na naman."

"And now, let us hear the Valedictory Address of Class 2012 Valedictorian, Mariz Salazar," biglang putol ng emcee sa kutyaan naming dalawa.

"Congratulations, Mariz!"Busy kami sa kaka-pose kasama ng aking mga kaklase ng biglang tugon ng pamilyar na boses sa akin.

"Eric?Ikaw ba yan?"

Pigil hininga akong lumingon. Halos mapugto na ang hininga ko sa aking nakitaAng gwapo niya. Mas lalong naging attractive siya sa paningin ko.

"Ako nga Mariz. Kamusta na? ang tagal na nating hindi nagkita"

"Tama.Buti at may guts ka pang magpakita sa akin despite of all the things you've done to me!" pairap kong sagot."

"I'm sorry. Pero hindi ko intention na saktan ka. Biktima lang din ako."

"Biktima?How come?Ang lakas mong magsalita ng ganyan sa akin. Maawa ka naman kay Michelle."

"Tama ang narinig mo Mariz.Biktima lang din ako. Please I have something to tell you. Let me explain everything..."

"Uy Eric! Ikaw ba yan?" biglang putol ni Nanay.

Hindi na ako umimik. Pero alam kung kitang kita ni Eric ang disappointments ko. Malapit na akong umiyak sa inis. Pinigilan ko na lang.

"Opo, Tita.Kamusta na?" sabay bawi niyang tingin sa akin.

"Okay lang ako. Buti naman at naka-attend ka sa graduation ni Mariz?"

"Talaga pong binigyan ko ng time ang araw na ito."

"Ganun ba. O sige paano aalis na kami. May mga bisita pang naghihintay sa bahay eh.Bumisita ka 'dun mamaya ha, Eric?"

"Opo, Tita." sabay tingin niya sa akin.

Manggang HilawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon