Twenty-five years old, single, maganda, matalino, mabait at successful sa buhay. Yan si Zhai Maureen San Diego.
Isa siyang interior designer. Bukod sa angkin niyang talino, nanggaling din siya sa mayamang pamilya kaya naging madali para sa kanyang makamtan ang gusto niya sa buhay.
After graduating from college, nagsimula siyang magtrabaho sa mga sikat na interior designing companies sa Pilipinas.
At the age of 23, she used her skills in working abroad. Almost 2 years palang siyang nagtatrabaho sa Canada pero malaki na ang naipon niyang pera dahil in-demand ang skills niya.
Now that she's already 25 years old, napagdesisyunan niyang umuwi na sa Pilipinas para makasama ang parents niya.
She also thought of building her own house, kaya 5 months bago siya umuwi ng Pilipinas, she contacted her friend Dreik Yson para asikasuhin ang pagpapatayo niya ng bahay. Sinabi niya dito kung anong disenyo ng bahay ang gusto niya.
Her house is almost finished, her friend told her over the phone nang minsang tinawagan niya ito. Konting finishing touches nalang daw ang kulang at siya na ang bahala dun.
Kaibigan niya since high school si Dreik. Magka-sosyo kasi sa negosyo ang mga magulang nila. Graduate ng kursong engineering si Dreik kaya nga ito nalang ang inatasan niyang umasikaso sa pagpapagawa niya ng bahay.
Dreik posted pictures of her house on the internet kaya nakita na niya ang itsura ng bahay niya sa Pilipinas. She liked the house. A combination of light blue and light pink ang pintura nito.
Excited na siyang umuwi sa sarili niyang bahay. She's excited with the life that she's gonna have in living in her own house.
ZHAI'S POV
Napapitlag ako nang mag vibrate yung cellphone ko na nasa loob ng handbag ko.
It's my mom calling.
Nasa airport ako ngayon. Kararating ko lang sa Pilipinas galing Canada. My mom insisted na sunduin ako sa airport sa kabila ng pagsasabi kong kaya ko na ang sarili ko.
My mom has always been like that. She treats me like I'm still a baby. Minsan nga gusto ko nang mainis pero iniisip ko nalang na siguro kaya ganyan ang pagtrato niya sa akin ay dahil nag-iisang anak lang ako nila ni papa.
"Hello, ma?" I answered my phone.
"Mauie, anak! Nandito na kami sa labas. Kasama ko ang papa mo. We're wating for you here." Masiglang sabi ng mama ko sa kabilang linya. Mas nakasanayan na nilang Mauie ang itawag sakin.
"Ma, palabas na po ako diyan. Just wait for me okay?" sagot ko.
"Okay, anak. Bye!" Iyon lang at pinutol na nito ang tawag.
Na-excite akong makita ang parents ko at hindi ko namalayang bumilis na pala ang paglalakad ko and I suddenly bumped into a person na sa tingin ko ay hindi rin nakatingin sa dinadaanan nito dahil kung nakatingin ito, eh di sana hindi nito ako mababangga!
"Oh!" I gasped nang mahulog iyong dala kong handbag at tumilapon ang ilan sa mga laman nito dahil hindi ko pala ito naisara nang maayos nang ilabas ko iyong cellphone ko kanina.
"Oh sorry!" sambit nung tao at agad namang tumalikod at nagpatuloy sa mabilis nitong paglalakad. Ang bastos naman ng taong yun! Nagsorry nga siya pero di man lang ako tinulungang pulutin yung mga gamit ko! Mabilis kong pinulot yung mga gamit ko at ibinalik sa loob ng handbag ko.
"Mauie!" bigla akong napalingon nang marinig ang boses ng mama ko na tumatawag sa akin.
Papalapit na silang dalawa ni papa sa akin. Naglakad narin ako para salubungin sila.