Chapter 5: Begin again

11 2 0
                                    

Matapos kong sumigaw sa walang kwenta kong mundo (biro lang). Ay napunta agad kami sa isang kwarto. Walang ibang tao dito kundi kami lang anim.

"Anong lugar ito?", pagtatanong ni Mitch.

"Nasa mundo tayo ng mga tao. Ang mundo kung saan sa negosyo kilala ang pamilya ni Blue", sagot ni Athena.

"Ahh. Ang astig", tanging nasabi ni Two habang nagsasaliksik sa loob ng kwarto.

Maya maya pa ay may dumating na isang babae. Nakasalamin ito at naka-suot ng pormal. May dala dala itong mga papel at tiningnan lang kami sabay alis uli.

Para kaming tanga na natulala na lang sa nangyari. Pakabog kasi si ate!😂

Hindi pa kami nakakamove on sa nangyari ay may pumasok na naman. Kamukha sya ni lolo at nakapormal na suot din ito.

Wala naman syang suot na salamin.

"Maaari kayong umupo", sabi nito.

Pagkasabi nya ay umupo na kami. Napansin ko lang na parang iba ang ugali nitong lolo ko. Ayy oo nga pala. May clone nga pala yung matandang yon.

"Sino dito ang apo ko?", pagtatanong nito na mahinahon.

Tumaas na lamang ako ng kamay. Napatingin agad sya sa akin.

"Ikaw si Blue?", tanong nito.

"Opo", sagot ko.

Pumasok uli yung babae at iniabot nito ang hawak na mga papel nito. Pagkakuha ni lolo ay umalis uli yung babae. Tiningnan ni lolo ang mga papel na binigay ni ate.

"Sayo pala ibinigay ang misyon na ito", sabi ni lolo.

Bakit parang wala syang kaalam alam sa mga nangyari sa mundo namin?

'Hindi ipinaaalam ng sinumang pinuno sa mundo natin ang naganap sa mundo natin. Kailangan kasi nila itong lutasin ng sila lang at gagabayan lang sya ng clone nya', sabi sa akin ni Athena gamit ang kapangyarihan nya.

Lumingon ako sa kanya at tumango lang sya.

Matapos basahin ni lolong clone yung mga papel ay tumayo ito at nagsimula ng magsalita.

"Ikaw Blue Tobio ay ginawaran ng isang mission ng ating pinunong si Bruce Tobio. Ito ay iyong isasakatuparan base sa nakasulat sa papel na ito kasama ang iyong mga clone. Kung may katanungan kayo ay maaari na kayong magtanong", sabi ni lolong clone.

"Paano kapag hindi namin naisakatuparan ang mission na ito?", tanong ni Blurizz.

"Mananatili kayo sa mundong ito at hindi na makakabalik sa mundo natin. Mamatay ang mga clone at maghihirap ang tunay", sagot nya.

"Paano naman kung naisakatuparan nga yung mission kaso hindi naman base sa nakasulat?", tanong ni Two.

"Well, depende naman sa sitwasyon yan. Pero napag-usapan na yan kaya pede naman ata yun. Depende nga lang talaga".

"Ganon ba? Payag kami. Hanggang kelan ang mission na ito?", tanong ni Crytal.

"Basahin nyo na lang dyan sa contract. Nga pala, si Ms. Belle ang mag-aassist sa inyo dahil busy kami", sabi ni lolong clone.

Umalis na sya at dumating naman yung ateng pakabog.

Nasa isang mansion kami pumunta kasama si Ms. Belle. Medyo malayo sa kompaya nila tanda. Pero maganda at simple lang. May pagkahawig sa mansion dun sa mundo namin kaso mas kabog yung amin syempre.

"So, naituro ko na sa inyo ang lahat kaya maiiwan ko na kayo dito. Si Manang Tess na lang ang bahala sa inyo sa mga kailangan nyo dito. Mauuna na ako ha", sabi nya at sumakay na sa kotse na ginamit namin.

"Who Are You?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon