Chapter 8: Friends😊

21 2 0
                                    

Nakasakay na kami ngayon papunta sa EK. Unang beses ko pa lang dito pumunta at wala ako sa mood para pumunta dito. Kaso huli na ang lahat.

"Rey salamat!", sabi ni Shaira.

"Hahaha wala yun", sabi ni Rey.

Panay ang daldal nila habang ako nakatingin lang sa labas. Sana nga hindi mali ang desisyon nila Mitch na isama ako sa gala na 'to.

Mga ilang minuto lang at nakapunta na din kami sa EK. Binayaran muna ni Rey yung pamasahe namin saka kami pumasok.

"Magkano po sir?", tanong ni Rey.

"21,600 po", sagot nung lalaki.

Tiningnan agad ni Rey yung wallet nya. Napansin kong parang kukulangin sa pera si Rey kaya...

"Eto na po sir", sabi ko sabay abot nung pera.

Tinatakan na kami at pinapasok na. Hinawakan ako ni Rey at naiwan kami habang yung iba nauna na.

"Babayaran na lang kita sa lunes", sabi nya.

"Hindi na kailangan. Unang bonding ko 'to kasama kayo. Mabuti nang ako ang manlibre", sabi ko at naglakad na kami.

"Salamat", huling sabi nya. Ngumiti na lang ako.

Masyado na ata akong nagiging mabait sa mga ito. Una at huli ko na itong ililibre ko sila. Sa lahat ba naman kasi ng misyon bakit ganito pa ang misyon ko? Bwiset na matanda talaga yun. Kapag ako hindi nakapagtimpi hahanap talaga ako ng paraan para makabalik sa mundo iyon.

"Halika Blue", sabi ni Claire at hinigit ako papunta sa ride na pagkataas taas.

"Takot ka ba sa matatataas?", tanong ni Claire.

Gusto mong sagutin ko ang bagay nya yan? Obviously...

"Ano pang tinatayo nyo dyan Blue. Halika na. Baka humaba pa yung pila", sabi ni Neko at hinigit na naman nila ako.

Buti na lang onti pa lang yung mga tao kundi pipila pa kami ng pagkatagal tagal. Nakaupo na kami sa mga upuan at may seatbelt pa.

Nagstart na yung ride pati ang hiyawan nila. Grabe! Halos umiyak na sila Kylie dahil sa taas pala talaga ng ride na 'to. Pati nga si Neko nahiyaw eh. Natatawa lang ako sa mga mukha nitomg mga 'to eh. Sige lang. Humiyaw lang kayo!😂

"Whooo!!!!", sigaw ko. Nakakaenjoy din naman kahit papano.

Pagkatapos namin sa rides na yun lumipat naman kami sa may rides na may tubig. Pasensya na hindi ko alam yung tawag eh. Nasa unahan sila Claire at nasa gitna si Neko at Kylie. Kami naman ni Rey ay nasa likod. Nagstart na ulit yung ride at humiyaw na naman sila Claire. Natatawa talaga ako sa kanila eh. Pababa na kami at may tubig kaming dadaanan. Mababasa kami nito. Ayaw kong mabasa. Wala naman atang makakapansin kung gagamit ako ng kaunting kapangyarihan.

"Hindi ka nabasa Blue?", tanong ni Thea.

"Oo. Bakit?", sagot ko.

"Wala lang. Kami kasi basang basa", dagdag nya.

"Ahh. Nasa harapan kasi kayo. Kami basa likod kaya hindi kami masyado nabasa", sabi ko.

"Sabagay", sabi nya.

Matapos nilang magpatuyo habang naglalakad ay kumain muna kami. Syempre dahil sa ako ang nagbayad ng entrance nila si Neko naman daw ang toka sa pagkain namin. Yung iba naming classmate? Hayain na sila. Mayayaman naman yun eh.

"Guys. Sunod naman sa horror house", sabi ni Neko.

"Ehh! Nakakatakot don", react agad ni Kylie.

"Who Are You?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon