Chapter 4: The Punishment

19 2 0
                                    

Kahit pagod na pagod pa ako at wala pang nagagawang plano para sa pagbabalik ko ay tumuloy na ako. Tulog pa ang mga clone ko ng umalis ako ng bahay.

Hindi na ako nagpaalam dahil hindi naman nila ako papayagan.

Madilim pa at ang lamig ng nakita ko si Akki. Parang may kinakausap sya. Nagtago muna ako sa malapit na pader mula sa kinatatayuan ko.

Pinakinggan ko ang usapan nila nung lalaki ba o babaeng kuba na nakataklob ang itsura.

"Ngayon na wala na ang balakid natin para kunin ang kaharian mula sa mga Tobio. Magiging madali lang ang lahat", sabi ng kausap ni Akki.

"Kaya nga. Pasensya na lamang si Blue kung masyado syang mahina", sabi ni Akki at tumawa silang dalawa.

"Osya osya hangga't gamit mo ang mukhang panget na yan ay maghintay muna tayo ng pagkakataon para mapatay natin ang punong tagapamahala ng lahat".

"Hahaha oo naman. Para sa kapangyarihan lahat ay kaya kong gawin".

Matapos ang usapan nila ay umalis na parang hangin ang kausap nya. Nakatago pa rin ako hanggang sa makalampas sa akin ng kaonti si Akki.

"Naandyan ka pala mabait kong pinsan", sabi ni Aika at humarap sa akin.

Oo nga pala. Kapag may kakaiba kang kapangyarihan sa lahat ay may kakahayan kang maramdaman ang aura nila.

"Oo. Narinig ko nga ang usapan nyo nung kuba eh", sabi ko ng nakangiti.

"Edi mabuti. Edi makakapaghanda ka ng maaga para sa gagawin namin. Ng lunakas lakas ka naman", pagmamayabang nya sa kin.

"Tinatamad ako eh. Masyado kasi kayong mahina para sa level ko. Saka na kapag malakas na kayo kesa sa akin", sabi ko.

Lumabas na ako sa pader na pinagtataguan ko at nakita ko ang aura ni Akki na maitim at nakapalibot ito sa kanya.

Itim ang kulay at ang kanyang itsura ay nakakatakot mula sa dating sya.

"Simulan na lang natin ang laban ngayon", sabi nya at agad na sumugod sya.

Agad ko naman naharang at napaisod naman ako ng kaonti. Natigil sya sa pagsugod at unatras muna ako.

"Mahina ka pa rin", sabi nya habang pinupunasan ang damit nya.

'Ha! Baka naman! Tingnan na lang natin", sabi ko at ginamitan ko sya ng apoy ng tumalon ako sa taas at natamaan ko sya ng eksakto sa mukha.

Hinawi nya iyon gamit ang itim na hangin nya. Ng makababa na ako ay sumugod agad sya at gumawa sya ng espadang bakal.

Umiilag ako sa bawat paghampas nya at nagteleport sa likuran nya. Malapit ng sumikat at araw kaya hindi na ako magsasayang ng oras.

Gumawa ako ng dalawang espada din mula sa yelo na kasing tigas ng bakal. Agad ko itong inihampas ng paulit ulit kay Akki hanggang gumamit sya ng shield.

Sa sobrang busy ko sa kahahampas ay hindi ko napansin na nagawa pala sya ng ipambabala sa akin. Idinali nya ito sa tiyan ko kaya naman napalubod ako.

Hinawakan nya ang buhok ko. Hinggal na hinggal kami at nakatingala ako sa kanya habang hawak hawak ko ang tiyan ko.

"Hindi mo ako agad agad mapapatay Blue", sabi nya at gumawa uli sya ng espadang bakal at isasaksak nya na sana.

Kaso ayaw ko pa mamatay kaya tinalisod ko sya at agad syang natumba. Tumayo na ako habang may pagkakataon at naglabas ako ng apoy at isasabog ko sa mukha nya dahil sa galit ko...

"Itigil mo yan estranghero!", pagsigaw ng isa sa mga sundalo.

Napatigil ako dahil nakita ko sila mama at papa. Naandoon din si lolo. Tumayo na si Akki dahil sa tulong ng mga gwardya.

"Who Are You?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon