Chapter 6: Highschool...😑

16 2 0
                                    

"Gising ka na pala. Kumain ka na at papasok ka pa", bungad na sabi sa akin ni Manang Tess.

Hindi na ako sumagot at pumunta muna ako ng banyo para maligo at magtoothbrush. Sana'y kasi akong maligo muna bago kumain.

"Bakit ang aga ko gumising?", tanong ko sa sarili ko.

Matagal tagal din ako bago mapag-isip isip na...

"PAPASOK NA AKO?!", pagsigaw ko sa school.

Napasandal agad ako sa pader ng banyo. Papasok na pala ako? Anong gagawin ko? Hindi ako marunong makipagkapwa. Baka masungitan ko lang sila. Wala akong kakilala ni isa. Waaahhh!!!!

"TANDA MALALAGOT KA SA AKIN KAPAG NATAPOS KO ANG MISSION NA ITO!", pagsisigaw ko kahit alam kong hindi ako maririnig ni tanda.

Matamlay na lumabas ako sa banyo. Wala akong kagana gana. Naabutan kong nakain na sila Two at Mitch. Makakasama ko nga pala sila kaso nasa labas naman sila.

Umupo ako sa tabi ni Mitch. Pinagtimplahan ako ni Manang Tess ng hot choco. Pero tinititigan ko lang ito.

"Hoy! Kumain ka na aba. Malelate ka na", sabi ni Mitch.

Lumingon lang ako sa kanya at tumunganga uli. Nawalan talaga ako ng gana.

"Ayaw mong kumain ha", narinig kong  sabi ni Two.

Napansin ko na lang na nilalagyan nya na pala ako ng hotdog, ham, at itlog ang pinggan ko. Susubuan na nya sana ko ng umiwas ako.

"Oo kakain na ako. Don ka na at kuamin ka na. Malaki na ko kaya ko na 'to", pagrereklamo ko.

Wala na akong nagawa kundi ang kumain. Nakakapikon eh.

================================

Hanggang makapasok na ako sa Karasuno High School eh nakasimangot pa ako. Hinihintay ko si Zenki sa labas ng opisina ngayon ng principal kuno.

Ang tagal naman nila. Nakakaboring pala dito. Mukhang magiging madali lang sa akin ang lahat

"Maraming pong salamat", narinig kong sabi ni Zenki.

Naramdaman kong kinulbit ako ni Zenki sa balikat ko. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa magiging room ko.

Habang naglalakad kami marami akong nakutang iba't ibang estudyante. May mga tama lang, merom ding mga mukang t*nga. Meron pa ngang katulad kong tinatamad sa araw na ito eh.

"Unang araw pa naman ng pasukan dito kaya may magiging kaibigan ka", sabi ni Zenki.

"Wala akong pakealam kung may magiging kaibigan ako", sabi ko.

"Hayy. Bahala ka. Tandaan mo. Babawiin mo din ang sinabi mo", sabi nya at napatigil kami sa isang room.

Tahimik lang ang mga estudyante dito. May bumungad na babae agad sa amin. Parang ewan sya kasi ang ligalig nya eh.

"Magandang umaga po. Dito po ba sya papasok?", pagtatanong ng babae kay Zenki.

"Oo. Nasaan ang teacher nyo?".

"Ahmn. Wala pa po eh. Pero pede naman po syang pumasok".

Pumasok na ako sa room kasama nung babaeng maligalig. Sya ata ang magiging president dito. Sa likuran ako pumwesto para tahimik.

Kinuha ko na lang ang cellphone na binigay sa akin ni Zenki. Pinicturan ko kanina yung mga papel na binigay ni lolong clone sa amin. Babasahin ko na lang muna ng mabuti ang instruction dito.

================================
Recess na at kumakain lang ako mag-isa sa isang bench. Ang ligalig ng mga tao dito. Nakakairita. Malapit na akong mabwiset ng may pumwesto sa tabi ko. Kaklase ko ata 'to.

"Who Are You?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon