Chapter 1:Family Tobio

71 3 0
                                    

"Kung ang magiging tagapagmana lang ng natin ay babae! Hindi na tayo lalaban!", narining kong sabi ni lolo.

"Pero bakit naman? Malakas naman sya ah", pagdepensa sa akin ni papa.

"Anong malakas?! Kahit anong gawin mo babae pa rin sya! Babae na mahina!", sabi ni lolo.

Tuloy pa rin sila sa pag-aaway habang ako nagsasoundtrip lang. Wala naman akong pake kung sino ang magiging tagapagmana. Ang mahalaga lang sa akin ay ang tumira dito.

Maangas kasi ang apelyido namin at estado sa buhay kaya ganun na lang ang pagkagusto ko sa angkan namin.

Nakikita ko ang mga ekspresyon na galit na galit at parang gusto na nilang patayin ang isa't isa. Hayy. Wala naman akong magagawa tungkol dun.

Habang nag-aaway sila ipapakilala ko nga pala sila sa inyo isa isa.

Si Lolo Bruce
-sya yung lolo ko na ubod ng sungit. Malakas sya kumpara sa akin. Ang gusto nya ay palaging perfect ang nangyayari, kaya naman laking galit na lang nya ng ako ang maging tagapagmana.

Si Tito Martin
-ang masungit na tito ko sa lahat. Magkasing-ugali sila ni lolo at patunay yun na mag-ama talaga sila.

Si Tita Claire
-siguro dahil sa tagal ng pagsasama nila tito Martin eh nakuha na din nya ang ugali nun. Parehas kasi silang masungit at masama ugali. Buti na lang at tita ko lang sya. D ako papayag na maging mama ko sya.

Si Tito Rence
-kabaliktaran naman sya ni lolo at tito. Mabait sya at maunawain. Matalino at magaling. Nagmana sya kay lola, sa kabaitan nito.

Si Tita Maria
-sa pangalan pa lang alam mo na kung anong ugali ang meron sya. Kung kumilos yan ay animo hindi makabasag pinggan.

Si Tito Ryan
-sya naman ang walang pakelam na tulad ko kung sino ang magiging tagapagmana. Ang gusto nya lang ay sya ang magtuturo sa magiging tagapagmana kung paano maging malakas. (Wala pa syang gf o asawa)

Si Lola Elisa
-ang pinaka-mabait na lola ko. Sya ang nakakaintindi sa akin sa tuwing malungkot ako. Masarap din sya magluto.

Si Dad Edward
-ang mabait na dad ko. Kaso palagi syang busy dahil lang dyan sa pinag-aawayan nila. Tsaka may business kasi sila ni mom sa ibang bansa.

Si Mom Jacklyn
-parehas sila ni dad na mabait at busy sa business. Nagiging dragon sila kapag ang pag-aaway ay tungkol sa akin. Grabe sila kung magalit.

Ang mga anak nila lolo ay ang mga lalaki samantala ang mga babae naman ay ang mga pinagkasundo sa kanila. Parehas silang mga immortal. Bawal d

Alam nyo ang daming alam ng angkan namin. Nakakainis eh. Teka, mukhang patapos na ang pagdedebate dito ah.

"Basta, si Blue ang dapat na tagapagmana! At lalaban din tayo!", sabi ni papa.

Matapos ang mainit na bangayan nila ay umalis kami nila papa at mama sa meeting room. Wala akong ideya kung bakit pa nila ako pinag-aawayan kung ang tingin naman pala nila sa akin ay walang kwenta.

Oo nga pala ang sinasabi nila na laban ay labanan daw kung saan nakasalalay ang estado namin sa buhay at ang kalayaan ko. Ibig sabihin nung sa kalayaan ko ay kalayaan ko mamili ng mapapangasawa ko.

Tanda ko pa nga nung bata ay pinagkasundo ako sa maraming lalaki. Ngayon, kung sino man ang manalo sa amin ang syang nagdedesisyon kung tuloy ang kasal o hindi.

"Blue, mamaya bumaba ka na para sa hapunan ha", sabi sa akin ni mom bago ako tuluyang iwan sa kwarto ko.

Oo nga pala. Ang dami ko ng nasabi sa inyo eh hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Blue Tobio, 16 yrs old, mabait, masayahin, walang pakelam sa mundo.

Wala akong kapatid. Puri pinsan lang ang meron ako. Malungkot din ang buhay ng walang kapatid. Walang magtatanggol sayo, makikipagkulitan, raramayan ka sa problema mo tsaka kagalitan.

Mabuti pa yung mga pinsan ko may mga kapatid sila. Samantalang ako wala man lang.

"Blue, baba ka na daw. Kakain na tayo", sabi sa akin ni Trish.

"Ahh, sige bababa na ako", sabi ko.

Nauna na syang bumaba. Medyo masungit ang mga pinsan ko at parang hangin lang ako sa kanila. Tinatarayan at inaasar. Kaya naman mas gusto ko pa mag-isa.

Kumakain sila na masaya at tawanan ng tawanan. Samantalang ako kain lang ng kain. Tanging sa pinggan ko lang ako nakatingin. Walang akong pake kung anong pinag-uusapan nila.

Matapos kaming kumain sama sama silang nanood sa sala ng horror movie. Ako? Diresto sa kwarto ako.
Nanonood ng anime, magpapatugtog ng mga kanta nila idol Charlie Puth.

"When I see you again...", pagkanta ko.

Ganito lang naman ang cycle ng buhay ko.



















"BLUE GISING NA!!!",sigaw sa akin ni lolo.

Ang aga pa. D ko pa nga naimumulat ang mga mata ko. Bwiset na matanda to eh.

"Bakit ba? Ang aga pa", sabi ko.

"Magsisimula ka ng training para sa laban mo next month", sabi nya.

"Kailangan pa ba yun?", pagtatanong ko.

"Aba oo naman. Bumangon ka na dyan at mag-almusal ka na", sabi nya.

Sinarado nya na malakas ang pinto. Ang aga aga training agad.

Bumangon na ako para mag-almusal. Nagbihis ng pang-komportable para madali lang ako makagalaw.

Napansin ko na hindi lang pala ako ang dapat magtraining. Pati din pala yung mga pinsan ko. Lahat sila nagtetraining pero hindi nila ako pinapansin.

Panay lang ang tingin nila sa akin. Minsan nagtataka na ako kung ampon ba ako o hindi. Hay ewan...

"Hoy Blue ayusin mo ang pagbawak sa espada mo", sabi sa akin ni tito.

"Opo", sagot ko.

"Ang gagawin mo naman kung sakaling nasa ibaba pa kayong lahat at kailangan nyong mag-unahan magpatayan ay mag-invisible ka sabay lipad. Kapag nakita mo na yung kalaban mo biglain mo ng atakihin. Kapag dahan dahan mahahalata ka nila", sabi ni tito.

"Oo nga pala, wag na wag ka ng lalabas ng arena kapag labanan na. Hindi mo pa kilala ang lahat. Kahit na may camera sa labas mahirap na kapag may nangyari. Kahit kamag-anak natin wag na wag kang sasama", dagdag nya.

"Tito ang wierd", sabi ko.

"Hahaha oo wierd pero tama ang mga sinasabi ko sayo. Minsan nagyari na yan sa lahi natin", sabi nya.

"Ha? Kelan? Sino? Paano?", sunod sunod kong tanong.

"Malalaman mo din yun. Pero sa ngayon mag-focus ka muna sa pagpapractice natin", sabi nya.

Ang arte naman ni tito. Ang damot.

"Hey, bumalik ka na pala", narinig kong sabi ni Thea.

"Oo nga. Pasalubong namin", sabi naman ni Turbo.

"Hahaha mga loko tlga kayo", sabi nung dumating.

Hindi ko sya makilala kasi nakatalikod kaya hindi ko sya mabati bati.

"Nasaan si Blue?", tanong nya.

Tinuro ako nila Thea kaya naman nakita ko na sya...

Bumalik na sya? Kelan pa?

"Hi Blue", sabi nya sa akin habang papalapit sya ng papalapit sa akin.

"Ikaw pala yan", tanging nasabi ko...

"Who Are You?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon