Chapter 7: Justine Pizon

10 2 0
                                    

Akki POV
Hindi dapat magtagumpay si Blue sa misyon nya. At para masigurado kong hindi sya magtatagumpay...

"Gusto kong paibigin mo ang aking pinsan. Dapat ay makalimutan nya ang misyon nya. Kailangan hindi sya magtagumpay", pag-uutos ko.

"Bakit hindi ko na lamang sya patayin?", tanong nya.

"Ako mismo ang papatay sa kanya", sabi ko.

================================

Blue POV
Hayss. Dalawang buwan na din akong napasok sa school na ito. Parang wala naman akong misyon eh. Naging kaclose ko lang naman tong mga monggi kong kaklase.

"Class, may bago kayong kaklase", sabi nung adviser namin.

"Hi. Ako si Justine Pizon. Nice to meet you", sabi nung bago.

May bago? Dagdag perwisyo lang sa akin 'to eh. Imbis na onti na lang ang responsibilidad ko eh. May dumagdag pa. Nakatingin sa akin yung lalaki. Dahil yung sa tabi ko na lang ang bakante dun na lang sya umupo.

"Hi", bati nya sa kin.

Nginitian ko lang sya. Pinakiramdaman ko ang awra nya. Pero wala akong maramdaman. Hindi kaya normal lang sya? Pero nakakapagtaka naman. Parang may masamang mangyayari.

================================

Recess na at sila Kylie ang kasama ko. May gagawin lang daw sila Neko, kaya sila Kylie muna kasama ko. Napalapit na sila sa akin. Ngayon ko lang naramdaman ang magkaroon ng mga kaibigan. Teka? Ok. Hindi ko sila kaibigan. Misyon ko sila. Ok Blue.

"Uyy si Blue may forever na", panunukso ni Thea.

"Lol. Walang forever", pagkontra ko.

"Asus. Pero alam mo ang pogi nya", sabi naman ni Claire.

"Tsk. Gusto nyo kayo na tumabi sa kanya", pagsasabi ko.

"Ang pogi nya!!!", kinikilig pang sabi ni Kylie.

================================

Natapos ang recess namin na kinikilig pa din sila. Sa tingin ko hindi naman ganon kapogi si Justine para kiligin ako.

'Young master. May mga kalaban tayo. Hindi sila nakikita ng mga normal na tao. Masyado silang madami. Kailangan ka namin', sabi ni Mitch.

Gumawa na agad ako ng isang simpleng clone para iyon ang umattend sa akin sa klase. Lumabas na agad ako sa shield na ginawa namin sa buong school. Ito ang naghahati sa mga halimaw at sa mga tao. Gaya ng sabi ni Mitch, masyadong marami ang mga kalaban namin.

Nakita ko si Two at Mitch na nakikipaglaban. Matagal tagal na din akong hindi nalaban. Pagkakataon ko na 'to.

================================

Rey POV
"Neko, parang kalaban yung bago nating kaklase", sabi ko. Malakas ang kutob kong kalaban sya. Pero bakit normal lang ang awrang nararamdaman ko?

"Sa tingin ko din. Pero bakit normal lang ang awra nya? Normal na tao?".

"Yan din ang pinagtataka ko. Hanapan natin yan ng butas", sabi ko.

"Geh. Saka na natin sabihin kay Blue kung ano yung malalaman natin", sabi ni Neko.

Napalingon ako sa pinto ng makita ko si Blue. Wait? Isang clone?

Nagkatinginan kami ni Neko. Aalis na sana kami para tingnan kung ano yung nangyari ng pumasok na yung teacher namin.

================================

Blue POV
Halos ubos na ang lahat ng may iniiwan pa akong isa. Syempre para interviewhin ko. Sisikat naman sya kapag sumagot sya ng tama.

"Sinong nagpadala sa inyo dito?", pagtanong ko.

"Who Are You?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon