Chapter 2:The Traitor

48 3 0
                                    

"Hahaha bakit parang nakakita ka ng multo?", sabi sa akin ni Akki.

"Gomennasai (I'm sorry), okaerinasai (welcome back)", sabi ko kay Akki.

"Doushitanndesuka? (What's going on?)", sabi nya.

"Ahh, nalalapit na kasi yung laban kaya nagpapractice kami", sagot ko.

"Ahh ganon ba? Tito musta ang practice ni Blue?", tanong ni Akki kay tito.

"Hahaha walang pagbabago, mahina pa rin sya", pagmamaliit sa akin ni tito.

"Hay naku Blue. Hahaha siguro kulang ka lang sa pagkain, halika na nga", sabi ni Akki.

Sabay sabay na kaming pumasok para maghapunan. Pagdating sa hapag-kainan, ang lahat ay maingay dahil sa pagdating ni Akki.

Si Akki
-sya ang inakala ng lahat na tagapagmana din dahil sa pagkakaroon nito ng kakaibang kapangyarihan din. Ninanais nyang magkaroon ng malakas na kapangyarihan kaya tinangka nya ang buhay ko noong baby pa lamang ako.

Ang alam ko itinakwil sya nila lolo dahil sa kasamaan nya. Pero bumalik sya noon dahil nagsisisi na sya sa ginawa nya. Sya lang ang pinsan ko na tinuring kong kapatid dahil sa kabaitan nito sa akin.

Pero umalis sya dahil may importante daw syang gagawin. Malungkot na malungkot ako noon dahil sa aalis ang kaisa isa kong kaibigan.

"Blue, kumain ka ng marami", sabi ni Akki at binigyan ako ng pagkarami raming gulay at ulam.

"Ang dami naman nan Akki. Hindi ko kaya ubusin yan", sabi ko.

"Naku ate Akki, simula nung umalis ka si Blue, wala ng ginawa kundi tumingin sa bawat eroplano na nadaan at lumilipad para tingnan kung nandon ka nakasakay", sabi ni Trish.

"Aba! Mahal na mahal mo talaga ako ahh", sabi ni Akki.

"Hahaha oo nga Akki, kung hindi pa namin pinagsabihan ng todo si Blue na matagal ka pa makababalik eh hindi pa yan titino", dagdag ni mama.

"Tama na po. Nakakahiya kay Akki", sabi ko.

Nagtawanan lang silang lahat at ako naman dating gawi, nakatuon lang ang isip ko sa kinakain ko.

Nandito na si Akki pero parang ang lungkot ko pa rin. Ewan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Siguro nabigla lang ako sa pagdating nya.

Nauna akong natapos kumain sa kanila. Umakyat muna ako sa roof top namin para magpahangin at tumingin sa mga bituin.

Napakaganda ng mga bituin. Sana naman maging maayos ang lahat sa laban. Kahit hindi man lang ako manalo basta maging ok lang ang lahat. Pakiramdam ko may magbabago.

"Blue...",

Lumingon ako para tingnan kung sino yun. Si Akki lang pala. Lumapit sa sya akin para tumabi. Seryoso ang mukha nya.

"Bakit Akki?", tanong ko.

"Wala naman. Gusto ko lang maka-usap ang maganda kong pinsan", sabi nya.

"Alam mo Akki, wala ka pa ring pagbabago. Mahilig kang magbiro", sabi ko.

"Ano bang sinasabi mo? Ang ganda mo kaya", sabi nya sabay turo sa mukha ko.

"Alam mo Akki mabuti pa magpahinga ka na lang, galing ka pang biyahe", sabi ko at hinila ko sya para tumayo sa kinauupuan nya.

Tumayo na din naman sya at naglakad na kami papunta sa kwarto nya. Habang naglalakad kami ay panay ang pang-aasar nya sa akin. Kesa sa flat chested daw ako. Lamang daw ako ng tangkad at ganda sa kanya.

Alam nyo kung hindi ko lang pinsan 'to kanina ko pa 'to nasapak eh. Namumuro na 'to eh.

"Hahaha gaga ka talaga Akki", sabi ko na lang sa kanya.

"Who Are You?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon