Chapter 1- The Beginning
Joyce's POV
Ahhh!! Sigaw ko nang magising sa aking nakakatakot na panaginip.
Bes!! Ano na namang nangyari sayo? Gulat na tanong ni Jemel sakin. Yan kasi puro nakakatakot nalang ang binabasa mo! Sunod pang pasigaw na sabi nito.
Napabuntong hininga nalang ako sa sobrang kaba. Mabuti nalang ay hindi ko nagising ang iba. I sigh. Sanay naman akong managinip ng nakakatakot eh. Pero masama ang kutob ko sa panaginip ko na to. Hindi ko maihahalintulad ito as iba kong panaginip dahil parang totoo ito. Napaisip nalang ako sa napanaginipan ko.
Panaginip ko..
Naglalakad ako sa isang mapanglaw na gubat. May isa akong subdivision na nakita. Wala akong kaalam-alam kung nasaan ako, at pakiramdam ko ay sobrang misteryoso ng lugar. Akalain mo, may makikita kang isang subdivision sa gitna ng gubat? Natawa nalang ako sa mga naiisip ko. Dahil sa aking curiosity ay pinuntahan ko ang lugar na ito. Ako ay nakatingin sa harap ng isang gate na may nakasulat na "Halika't Pumasok". Kinabahan ako nang makita ko na ang ginamit sa pagsulat nito ay dugo!
Natakot ako nang may naramdaman akong presensya sa aking likod na nagpatibok ng puso ko ng mabilis. Anong ginagawa mo dito? Sinabi niya na may pag-alala sa kanyang mga mata. Hindi ka dapat naririto. Sunod pa nitong sinabi na halatang natatakot sa nakita sa loob ng gate.
Magandang hapon binibini! Napangising sambit ng isang lalaking nakatayo sa loob ng gate.
Paglingon ko ulit sa lalaki na nasa likod ko ay bigla siyang naglaho.
Halika't pumasok binibini. Mapanganib sa daan dahil pagabi na. Patuloy na pagngising inalokan nya ako na pumasok sa subdivision nila.
Halika't dadalhin ka namin sa information building namin. Sabi ng lalaki na nakauna sa daan.
Isulat mo lang po ang pangalan mo dito at bibigyan ka namin ng pagsamantalang pagtutuluyan mo. Sabi ng babaeng kasama ng lalaking nagdala sa akin.
Hindi ko alam ang nangyayari pero masama ang kutob ko sa nginingisi ng dalawang taong di ko manlng kilala. Pero sinulat ko nalang ang pangalan ko para may pagtutuluyan ako sa gitna ng gabi.
Tapos ng pagiisip ng panaginip.
Hindi ko alam kung anong nangyari dahil nakalimutan ko na. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana ng aming sasakyan. Nakaroadtrip kasi kami dahil mahilig ang aking tropa sa adventure.
Guys! Naghaharutan na naman sina Cherry at Cydric!! Napasigaw si Rhyne na ikinatawa naman naming lahat.
I don't care! Napalakas na sabi ni Cydric. As long as I love Cherry!! Alam naman naming lahat na binibiro lang kami nitong loko-loko na to.
Fuck you ka dric! Napamurang sabi ni Cherry. Si Daniel lang nagmamay-ari nang puso ko!
Natawa sya matapos masabi ito. Tssk. Pagiging fangirl nga naman.Hapon na ng naisipan naming huminto sa isang karinderia.
Tara at kumain muna tayo ng tanghalian. Nasabi ni Anne na halatang gutom na gutom na naman.
Natawa nalang kami sa kanya. Palagi nalang kasing pagkain ang kaniyang iniisip.
Guys! Narinig nyo yun?! Parang may tao sa loob ng gubat?! Biglang sambit ni Allyssa samin.
Wala naman ah. Ikling sagot namin.
Gutom lang yan Allyssa. Tara na, kumain na tayo. Pagpupumilit ni Anne.
Ah OK. Oh well never mind. Natawang pagsabi nya na may pagalala.
Pabalik na kami sa sasakyan namin ng biglang mawala si Allyssa.
Nakita nyo ba si Allyssa? Guys? Nag-aalalang sabi ko sa kanila.
Hindi. Nasan ba siya? Pagtanong pabalik ni Hannah.
Guys tara, let's find Allyssa. Pag-aalalang sabi ni Val.
Grabe ang bakas ng pag-alala sa mukha ni Val nang malaman na nawawala si Allyssa. Di ko nga alam kung anong mayroon sa kanila dahil wala naman kaming nakikitang pamamagitan sa kanilang dalawa.
Sa paghahanap namin kay Allyssa ay napadpad kami sa kakahuyan.
Ahhh!!....
BINABASA MO ANG
A Place Of Decease
Mystery / ThrillerA place for no one. A place full of misery. A place where only few can survive. But this place is about to change. The spilling of blood shall stop as this girl enter this place. Never go to a mysterious place in the middle of the forest. Lahat ay...