Chapter 2

50 5 0
                                    

Chapter 2- Mysterious Place

Joyce's POV

Narinig namin ang isang sigaw na parang humihingi ng tulong.

Allyssa!!! Sigaw naming lahat sa sobrang pagalala namin as kanya.

Alam naman naming lahat na mahilig sa panganib si Allyssa pero hindi nya kami iniiwan.

Allyssa's POV

Alam kong nag-aalala na ang mga kaibigan ko pero my curiosity keeps me driving that I should help whoever shouts inside the woods. Alam kong nasa panganib ang taong yun at kailangan nya ng tulong. Pero gusto ko na rin bumalik dahil malapit nang gumabi.

Nakita ko sina Joyce at Hannah sa gubat, malamang hinahanap ako.

Hoy!! Napatawa ako pagkatapos ko silang gulatin.

Halos mapaiyak si Hannah dahil alam kong natatakot ito sa mga masusukal na lugar.

Hay nako naman oh! Ano bang naisipan mo at ginawa mo yun?! Galit na tanong ni Joyce sa akin.

I'm sorry kung nag-alala kayo sakin. May pinuntahan lang naman ako sa loob ng kagubatan.

Guys!! Nandito na si Allyssa.

Lahat sila ay nagpuntahan sa amin nang sumigaw si Joyce.

Bigla nalang may isang babae akong nakita sa likod nila na puno ang katawan ng dugo. Kinabahan ako sa nakita ko. Nahalata naman nila ito kaya napatanong sila.

Allyssa? Ayos ka lang? Nag-aalalang tanong ni Marc sakin. Hindi ako mapakali sa kung ano ang gagawin ko sa nakita ko. Napalihim nalang ako para hindi na sila makabahan din.

Ahhh!! Nasigaw ko nang makita ko ang isang lalaki na may hawak na kutsilyo at itinaga ito sa likod ng babae.

Nagising nalang akong nagbabyahe parin kami. Wala naman akong nararamdamang pag-aalala sa akin ng mga kaibigan ko. Parang panaginip lang ang lahat. Hindi ko alam kung anong nangyari sunod nun dahil para bang nahimatay ako sa sindak na ginawa ng lalaking yun.

Ayos ka lang ba Allyssa? Napatanong ni Joyce nang makita akong malalim na nag-iisip.

Oo. Maikli kong sagot. Pero ayos lang ba talaga ako?

Jemel's POV

Hindi namin alam kung paano namin maitakbo ang mga sarili namin bago nakita ang mga nangyari sa loob ng gubat na yon. Nag usap din kami na hindi muna namin ito ipapahalata kay Allyssa at baka ma sobrahan sya ng takot.

Summer na summer pero parang ang lamig ng simoy ng hangin dito. Sobrang napaka misteryoso ng lugar na ito. Sa daan papunta sa aming destinasyon ay may nakita kaming matandang lalaki na napagmasamaan kami ng tingin, para bang binabalaan kami na wag nang ituloy ang aming binabalak.

Guys. Parang masama ang kutob ko dito sa ginagawa natin, baka umuwi nalang tayo. Pag-alala ni Hannah sa amin na gusto kong sang-ayunan, pero inalokan lang naman kami na sumunod eh. Kaya pagkakatiwalaan ko nalang ang aking mga kaibigan.

Wag kang mabahala Hannah. Malapit nalang tayo sa ating pupuntahan. Sinabi ni Sidrey na makikita sa kanyang pagkilos na sobrang excited na sya.

Saan ba tayo pupunta? Napatanong ko. I'm not familiar with the road here, and it looks creepy. Napasunod kong sabi na may halong takot.

Ugh. I'm not also familiar. Napasabi ng mokong Cydric na sya pa ang nagsabi na dito dumaan. Pero sabi ng mama kanina na mas malapit daw to. We will just drive ahead cause we're already here. At maabutan pa tayo ng gabi dito. Napasunod nyang sabi na parang sigurado sa mga sinasabi nya.

Shit! Siguraduhin mo lang na hindi tayo mapapahamak Cydric! Tss Jerk! Napaalala kong sabi sa mokong na to. Humanda lang sya pag may nangyari samin. Palagi naman talagang siya ang nagdadala ng pahamak samin tss.

Napapagabi na. Mabuti na lang ay may nakita kaming isang subdivision. Pero napaisip ako na bakit mayroong subdivision sa gitna ng kagubatan. Nakakapagtaka lang talaga.

Sa pagpunta namin dito ay may isang malaking gate ang nakabungad sa amin. Walang nakasulat dito kundi "Halika't Pumasok".

Hindi ko alam pero parang masama ang kutob ko dito guys. Baka ipagpatuloy nalang natin ang pag byahe. Nakakabahang sabi ni Joyce nang may halong panginginig sa katawan nya.

Napatawa nalang sila sa sinabi ni Joyce. Pero masama din ang kutob ko sa subdivision na ito. At nasobrahan pa ito nang ma aninag ko na ang sign na nakita namin ay may mga bakas ng dugo. Shit!

A Place Of DeceaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon