17th Element

17 2 0
                                    

A/N:

First of all maraming salamat kay Brian Remedillo for my wonderful cover. Much much appreciated kuya maraming salamat po 😘😘😊

I'm sorry to not update that quick guys but just so you know it's our finals.

Secondly, your handsome author is uhm, intelligent, (applause) *kulisap sounds* LMAO ROFL!!! HAHAHA!!! (So I really do need to fight for my freedom jk. For the finals.)

But anyway I do hope you understand my situation.

I'm studying and you're studying so I guess you'll understand and if you don't then.....so be it.

Enjoy reading elementers and elementresses~

~~~~~~~~~~~~

Jade's POV




Fudge.


Ramdam ko na ang pagbigat ng aking paghinga gayun na rin ang tagaktak ng pawis ko. Limang oras na akong nagsasanay dito sa isang gubat ngunit hindi ko alintana ang pagod at ang oras kahit na ang sinag ng araw na nagsisimula na ring uminit ng uminit.


*FLASHBACK*

~~~~~~~~~~~

Maaga rin akong napamulat ng mata dahil kahit mahina lamang ang huni ay ramdam kong may naglalakd sa hallway palabas ng Capitol.

Jaja?

Mayroong nakapatong na hood sa kaniyang braso at dali-dali ngunit maingat siyang naglakad at lumabas ng Capitol. Bagama't tulog pa ang iba ay nakita ko ring sumilip si si Henna na nasa katabing silid rin. Nakita ko rin siyang nagmadaling nag-ayos na para bang susundan si Jasmin. Isinara na niya ang pintuan at ganun rin ako. But I doubt it kung nakita niya ako.

Magti-training siguro iyun.

I must do the same then.

Hindi naman pwedeng sila lang ang naga-upgrade samantalang ako ay hindi. Hindi naman maaari iyun.

So as fast as possible, I fetch all my necessary stuffs and garments in training and before I go, napaisip ako ulit.

Kung susundan ko iyun sa training ay malamang kung saan nanaman magtapos dahil sa kalikutan at kapilyuhan ko. Hehehehe.

Eh sa mahal ko siya eh, what could I do?

Napaisip parin ako. But few moments at napagdesisyunan ko na lamang na mag-training mag-isa. I guess it would be better.

Lumabas ako ng pintuan nang makasalubong ko rin si Timo, na naka-ready na rin.

"Hey handsome. Training?" tanong nito at tinanguan ko lang.

"Ba't 'di mo isama ang nobyo mo?" mapanuksong tanong ko at tinaasan lang ako ng kilay ng bakla.

"Baka ibang training pa ang magawa namin. Hahaha. Geh alis na me babush!!!" at naglakad na rin ito ng hallway palabas ng Capitol.

Hndi ko na hinayaang maabutan ako ni chopping board at natuloy-tuloy na rin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*END OF FLASHBACK*




Must train hard for the sake of Western Poblacia,-Natividania. For Jasmin.

Napangiti na lamang ako habang iniisip ko ang mga iyun. Lalo na kay Jasmin. Hindi ko maipaliwanag ang kiliti nito sa aking dibdib. Napakasaya at talagang irresistable. Sana hindi na matigil ang nararamdaman kong ito. At sana lumala pa kung mayroong ilalala.

Elemental CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon