13th Element

21 14 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~

War.



This is the only thing that I can see right now.


Marami nang nakabulagtang katawan.

Dumanak na ang dugo at nagkalat ito kung saan-saan.

I tried to help the water, earth, and airbenders in defeating Pyraenea but it seemed like I can't. I felt like I was nothing but a ghost. A transparent body wandering through the city.

Doon ko lang napagtanto ang nangyari.

Ito na ba ang labanang sinasabi nila?

Magkahalong takot ang pangamba ang nararamdaman ko ngayon hindi lamang sa kasalukuyang nangyayari sa katawan ko kundi sa mga ka-alyado ko rin dahil dehado talaga sila sa labang tinahak nila ngayon. Marami sila ngunit doble triple pa ang kwantidad ng mga taga-Eastern Poblaciang mga firebenders dito.


Victory...

That's the most hopeless thing that came into my mind.

Malabo...

Malabong manalo kami dito.

Ang bagay na ito.

Ang bagay na pinaghandaan namin...

Bagay na pinaghandaan at pinagsanayan ng mga mandirigma ng ilang buwan para lamang magkaroon ng kapayapaan at magapi ang mga masasama.

Wala na.

Iginala ko ang tingin ko sa buong Pyraenea. Ang maganda ngunit nakakatakot nitong atmosphere ay hindi mo maitatanggi. Dangerously beautiful.

But not until this war had happened.

If it is dangerously beautiful, now it's nothing.

Ni wala kang emosyong maramdaman kundi takot, lumbay, pighati, lugmok- lahat na ata ng hindi maganda sa dibdib ay madadala mo once na nandito ka na.

Hindi alintana ng mga naglalaban ang tensyon. Patayan kung patayan.

Sa kabila ng mga ito gayunpaman, ay nahagip ng paningin ko ang isang bagay na hindi ko kayang paniwalaan mga oras na iyun.

Isang katawan, katawan ng tao. Wala nang buhay at tila bumigay na ang katawan dahil sa pakikipaglaban.

Iyun ang katawan ko.



No, this can't be.



Nasa tabi nito si Henna at nakayuko sa bandang tiyan ng katawan ko at malakas na humahagulgol. Nakabantay naman sa tabi niya ang kaniyang water tarantula na siyang kumakalaban sa mga papalapit na mga firebenders.


Sa 'di kalayua'y isang babae at lalake naman na naka-puting malong at ang isa nama'y naka-patadyong ang hingal na hingal na sa pakikipaglaban sa mga firebenders. Gumawa sila bigla ng buhawi na nilipad palayo ang kanilang mga kalaban.


'They must be the airbenders.'


Nagawi naman ang tingin ko sa dalawang lalake malapit sa Capitol ng Pyraenea.

Si Gedeon at Timothy.

They are doing their very best to slay the enemies.

Elemental CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon