19th Element

7 1 0
                                    

PASENSYA NA SA SUPER DUPER LATE UPDATE GUYS. INENJOY KO ANG BAKASYON EH HEHE. SO AYUN, ENJOY THE UPDATE.
..
.
.
.
.
.
.
...
..
.
.
.

~~~~~~~~~~~~~~~~

Jade's POV





Hindi ko alam kung matatakot o matatawa ako ngayon sa inaasta ng batang ito. Based from his looks and the way he acts hindi naman siya mukhang dapat katakutan. He looks harmless. He looks innocent. He's a child anyway.

Hindi ko lang alam kung bakit tarandtado na ang mga kasama ko sa paghahanap ng maaaring taguan o kung ano mang lugar iyan para sila ay makalayo. They look overexaggerated with what they are doing. Like, the eff? Mas mukha pang nakakatakot ang ate niyang mukhang kakainin ka ng buhay dahil sa mga tingin niya. Maganda sana eh maputi pa na na-complement ng maliit niyang height, akala ko nga bata rin eh hahaha. Kung hindi lang sana siya ganiyan kaangas at kasunget maganda rin- wait, what the eff am I saying. Erase erase Jade ughh!!!

Natuon muli ang aking atensyon nang biglang nagsalita ang bata na pagbilang daw niya ng sampu ay dapat nakatago na kami. Ano 'to larong bata?!! That spoiled brat is playing dumb with us. Tsk, like I could kill him with a single move duh.

"Isa." bilang ng bata. Pati pananalita napakabakulaw lang. His sister on the other hand is not making any move. Pinanindigan talaga ang pagiging taganood ah? Well.

Lumulutang rin siya sa hangin. Hmm, masyado nilang tino-took advantage ang elementong pinagkaloob sa kanila ah? Now we're talking. Puwede nga rin palang magamit ang elemento ng tubig through turbo jets na ikakabit sa paa. Napaka-basic. Ngunit parang mas madali ata sa mga airbenders na ito ang sumaliw-saliw sa hangin. Ano pa nga bang bago eh elemento nga nila iyan.

"Alexson we better go." tawag sa akin ni Jasmin

"Dalawa." bilang ulit ng batang Nikko ata ang pangalan kung hindi ako namali ng aking pagkakadinig.

"Damn it Jasmin, are you serious?" inis na tanong ko sa kaniya dahil sa inaakto niya ngayon ay parang siya ay natatakot sa mga abilidad at kung ano ang kayang gawin ng batang airbender. Well sino nga ba naman ang hindi? For that very young age? Napagkalooban ng dragon slaying magic? That's fantastic!!! But sino nga ulit ang hindi natatakot? I guess that would be me.

"I'm not leaving." matigas na pagtutol ko sa kaniya dahilan para bigyan niya ako ng hindi makapaniwalang ekspresyon sabay nito ay ang pagkunog ng kaniyang mga kilay.

"Tatlo." bilang ulit nung bata.

"Anak ng tupa Jade pwede ba? Huwag mong pairalin ngayon ang katigasan ng ulo mo? Do you have any idea how powerful that child is? Besides kung gusto mo ng laban let's go to a place where no other people would be harmed. Kapag nahanap ka naman niyan sa so-called game niya, doon mo na siya puwedeng labanan. Naiinitindihan mo ba ako Hades?!!!" okay now she's mad. Wala sa sariling napatango na lamang ako.

"Lima." ano?! Bakit walang apat? Or baka hindi ko lang narinig?

"Anim." Oh sheeeeet!!!

"Kingina ano pang hinihintay niyo?! Tara na!!!" at kumapit sa mga talampakan ni Gedeon ang mga piraso ng lupa at ito ang nagpalutang sa kaniya sa ere. Ganoon rin ang ginawa ni Timothy at agaran silang lumayo. They headed through the forests where Jasmin and Henna had their training a while ago.

Si Henna naman ay hindi na umimik dahil sa magkahalong takot, kaba, at pangamba. Sa halip ay agaran rin siyang nag-waterbending. Kung water-powered jets ang gamit namin, siya ay iba. Agarang naging yelo ang tubig na kumapit sa kaniyang mga paa dahil sa ginawa niya. Inangat niya pataas ang dalawang kamay dahilan para siya ay lumutang. Di-kalaunan ay sumulong na rin siya paharap habang siya ay nasa ere.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Elemental CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon