Goodbyes ~

3.1K 58 23
                                    

*Kyrie POV*

Umuwi na talaga ako, di ko na kinuha yung notebook. Hayy, dapat nilagay ko dun yung tel.no. namin eh para kung sakaling mabait yung si boy in black eh isauli niya .. sayang kasi. 

Nang nasa harap na ako ng bahay, naramdaman ko na naman ang lungkot. Kahit pilitin kong maging masigla at masaya wala pa ring effect. Di na katulad ng dati yung bahay namin na full of laughters at happiness .. yung pag dumadating ako makikita ko si oneechan Rai na hinihintay ako para sabay kaming manuod ng Vampire Knight o di kaya yung bigla niya kong hahatakin para sabayan syang bumili ng manga at pumunta sa Comic Alley o di kaya  tatawa kami na parang baliw .. kasi naman ...

lumala na sakit na si oneechan T__T

Last year lang yun. Nung bigla siyang hinimatay sa Christmass Eve .. Dati pang labas pasok sa ospital si oneechan kaso di ako masyadong dumadalaw sa kanya kasi di ako pinapayagan nina mama. Awful daw ang hospital sabi ni oneechan. Parang lugar daw yun ng mga Shinigami kasi maraming namamatay dun ~ kowaii >_< pero habang sinasabi niya yun tumatawa lang sya. Di ata sya takot sa shinigami. Kaya natatakot na din akong pumunta sa ospital. Alam ko namang babalik si oneechan eh. Nagpromise kaya siya sa akin. Kahit kailan di siya nagbreak ng promise.

Kakalabas lang niya last month sa ospital. Isang buwan din siya doon . Ang payat na oneechan ngayon tas lagi lang siyang nasa bahay. Di na siya pumasok this school year. Gusto ko siyang tanungin kung ayos lang ba sya kaso natatakot ako sa isasagot niya ... baka kunin na din siya ni Ryuk, yung ugly death God sa Death note. Uwaaah .. kaya pag magkasama kami pinipilit kong maging masaya at patawanin siya. Alam kong gagaling siya. Sabay kaming ngapra-pray kay God bago matulog tsaka pinangako niya yun.

 Pagkadating ko sa bahay naabutan kong nagluluto si mama para family dinner namin mamaya. Nag mapansin niya ko nagsmile sya .. alam ko nahihirapan at malungkot si mama dahil kay Ate Rai. Para ngang may di sinasabe sa akin sina mama at papa eh. Pag kasi nagigising ako pag nagugutom .. naririnig kong umiiyak si mama habang dumadaan ako sa kwarto nila papuntang kitchen >_< this is one reason why i hate being a kid. There are a lot of things im unaware of.

"Oh Kai andyan ka na pala. Puntahan mo na ate mo kanina ka pa hinihintay nun. "

"Opo mama." (^____^)

Ng madaanan ko yung table na may picture frames na nakalagay napahinto ako. Nakita ko kasi yung picture namin ni ate nung first cosplay namin. That was so happy .. we won the contest. Holloween yun eh, so yung kinosplay ko si Enma Ai tas sya naman si Sunako. Ang saya namin nun. Tas we promise pa na sasali pa kami sa mga upcoming events .. kaso lumala na sakit niya kaya di na namin nagawa yun ulit. 

As i open the door of her room ...

"Kai !"

She tried to sat up on her bed. Halatang hinihintay talaga ako aah. Nakangiti siya at excited na excited. I tried to be jolly as i do always when im with her. Ayoko kasing ipakitang nalulungkot ako sa harapan niya. Ganun din sina mama.

"Oneechan" ~ *sabay hug*

Anime Otaku's NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon