Kabanata 1

19 1 0
                                    

Kaleah's POV

"Dito, dito ka mas makabubuti. Walang mananakit at walang manghuhusga sa kakayahan mo. Dahil dito pare-parehas kayo." Napatingin ako sa isang malaking pader na para bang luma na tila ba'y napabayaan na.

"Bumaba ka na, mas ligtas ka dito kaysa sa mundong kinalakihan mo, sa mundo ng mga tao." Seryosong sambit ng aking ama na si Krisostomo, sinilip ko ang kasunod naming sasakyan kung saan naroroon ang matalik kong kaibigan na si Hailey na kagaya ko.

"Pero paano kayo?" Tanong ko sa aking ama at ina na parehong seryoso sa sitwasyon ngayon.

"Huwag mo na kaming alalahanin, Kaleah ang mahalaga ay maging ligtas ka dito. Marami pa kaming aayusin sa mundo ng mga tao at babalik din kami agad ng ama mo sa mundo natin." Ani ng aking ina na tila may lungkot sakanyang mga mata.

"Si Flynn pa? Hindi niyo ba siya pasasamahin saakin?" Tanong ko habang sinulyapan ang kapatid ko na naiidlip sa likod ng sasakyan.

"Kami na ang bahala sa kapatid mo, Kaleah. Bumaba ka na dahil papalabas na ang susundo sainyo ni Hailey." Agad akong napatingin sa labas kung saan naroroon ang pader na biglang umilaw at nailuwa ang isang matandang babae na nakangiti.

"Maiingat ka sa loob, Kaleah. Dadalawin kita dyan at babalik din kami kapag okay na ang lahat." Nakangiting sabi ng aking ina.

Bumaba na ako sa sasakyan na sakto ding pagbaba ni Hailey ang nag-iisa kong kaibigan na agad lumapit at kumapit sa braso ko.

"Hanep, Leah! Akala ko naman konting sandal lang dito guguho na akalain mo yun may nailuluwal pa pala to." Manghang sabi ni Hailey na agad ikinatawa naming dalawa.

"Magandang umaga, Hailey at Kaleah." Agad kaming napatahimik ni Hailey ng magsalita ang matandang babae na nasa harapan na pala namin.

"Ma-magandang umaga din po."

"Ako nga pala si Ms. Morga na gagabay sainyo sa loob, halina." Nang ilahad niya ang kanyang kamay tanda ng pinauuna niya kami na pumasok sa umiilaw ay pareho kami ni Hailey na napako saaming kinatatayuan.

"Huwag kayo matakot. Pumasok na kayo." Nakangiti nitong sabi pero bago kami pumasok ay sabay din kaming napalingon kung nasaan ang mga sasakyan kung saan naroroon kami kanina. Ngumiti ako sa pwesto nila mama at papa at humakbang na papasok.

"Keri natin to bessy!" Hinila ako ni Hailey papasok.

"Hala! Asan na tayo?" Napunta kami sa isang kakahuyan ng pumasok kami sa liwanag.

"Ito ang ating mundo, Dito naman ang daan papunta sa ating palasyo at doon naman ang sa kaaway. Kaya dapat ay mag iingat kayo dahil madaming gumagalang masasamang tao dito." Patuloy lang sa paglalakad si Ms. Morga na para bang hindi natatakot hindi katulad namin ni Hailey.

"Huwag kayong matakot, kasama niyo ako walang gagalaw sainyo." Sinabi niya na hindi man lang lumilingon saamin kaya naman nagpatuloy nadin kami sa paglalakad habang magkakapit ng braso.

Pag tapos ng mahabang paglalakad at may isang malaking gate na tumambad saamin na kulay gold na may ukit na 'Magic Land'.

"Nakakasilaw pero ang ganda." Hindi makapaniwalang sabi ni Hailey na ikinatawa ni Ms. Morga. Itinapat lang ni Ms. Morga ang kanyang kamay sa gate at agad itong bumukas.

"Wow!" Gulat naming sabi ng makita namin ang ganda ng lugar na ito kahit madilim na.

"Magandang gabi po Ms. Morga" sambit ng nadaan na mga tao at kasama nito ang paninibago nila saamin.

"Bakit ganon? Diba po umaga kanina doon bat dito gabi na?" hindi mapigilang tanong ni Hailey na ipinagtaka ko din.

"Ganoon talaga dito, ang mundo natin at advance ng dalawang araw kaysa sa mundo ng kinalakihan niyo. Kung umaga doon ay gabi dito kung gabi naman doon ay umaga naman dito." ani ni Ms. Morga na patuloy na naglakad at patuloy pa din ang mga tao sa pagbati sakanya kapag makakasalubong nila ito.

"Hanep bessy! Parang abroad lang eh no?" Binatukan ko na si Hailey sa sinabi niya.

"Aray!"
"Baliw ka talaga Hailey, manahimik ka na nga baka naman naiinis na sayo si Ms. Morga sa kakatanong mo." Mahina ko lang na sabi.

"Oo na, akala mo naman ikaw hindi ka nacucurious." Sabi naman niya at naglakad na lamang habang nakakapit sa braso ko.

"WAHH!" Parehas kaming napasigaw ni Hailey ng may bumagsak na malaking bato sa harap namin dalawa.

"Mr. Peter" mahinahon ngunit may otoridad na sabi ni Ms. Morga.

"Pasensya na Ms. Morga nag iinsayo lang ako dito hindi ko naman namalayan na may tao pala sa ibaba." Dinungaw niya kami at nilapitan.

"Sorry nga pala di ko naman sadya." Sabi nito at inalis ang bato sa pamamagitan ng pagtabig dito.

"Okay lang, hindi naman kami nasaktan." Sabi ko nalang at maglalakad na sana kaso napigilan ako ni Hailey.

"Hi, ako nga pala si Hailey." Halos napatingin ako sakanya ng ipitin niya ang boses niya at nag pacute sa lalaking kaharap namin.

"Peter, ngayon ko lang kayo nakita bago ba kayo dito?" Hindi na naituloy ni Hailey ang pagsagot ng bigla kaming tawagin ni Ms. Morga.

"Tama na yan, oras na para mag pahinga kayo dalawa. Dito ang daan papunta sa inyo silid." Itinuro niya saamin ang isang bahay na napaka-ganda na kahelera ang iba pang bahay.

"Tara na Leah! Excited na akooo!" Nauna na siya sa pagpasok at iniwan ako dito mag isa kasama si Ms. Morga.

"Magpahinga na kayo dahil maaga pa kayo bukas." Bigla itong naglaho, ngunit bago ako pumasok ay pinagmasdan ko muna ang paligid. Napaka-ganda ibang iba sa mundong kinalakihan namin ni Hailey. Walang wala ang mundo ng mga tao sa mundong to.

"Kaleah! Halika tignan mo ang ganda sa loob!" Excited na sabi ni Hailey at hinila na ako papasok.

"Yah! Oo nga ang ganda nga." Bumungad saakin ang isang magandang silid. Halos lahat bago, lahat magaganda. Ibang iba talaga sa kagamitan doon sa mundon ng tao.

"Grabe dapat pala dito nalang tayo lumaki." Sabi ni Hailey habang may kinakalikot na isang bagay.

"Kaya nga eh napakaganda naman pala talaga dito." Sagot ko naman sakanya na tunay.

"Edi sana matagal ko ng nakilala si Peter my new love." Halos kuminang ang mga mata nito ng banggitin ang pangalan ni Peter yung lalaking nakausap namin kanina.

"Kahit kailan ka talaga, Hailey. Lalaki pa din ang nasa isip mo." Binato ko siya ng unan at ganon din ang ginawa niya.

---

FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon