Kabanata 7

6 0 0
                                    


"KALEAH!"

"Hailey?" Bigla akong niyakap ni Hailey at halata sa sarili niya na masaya siya.

"May ibabalita ako sayo." Nakangiti niyang sabi.

"Ano yon? at nasaan si Jasmin?" Tanong ko ng mapansin na nag-iisa siya.

"Kinausap si Ms.Morga, at ang balita ko sayo ay LUMABAS NA YUNG AKIN!" Masaya niyang sabi at nagtatatalon pa.

"Talaga?" Masaya ko ding sabi at kahit papaano sa sinabi ni Hailey ay parang nabawasan ang lungkot ng puso ko.

"Oo at ako lamang ang nakaalam." Sabi pa niya.

"Ano?" Tanong ko naman agad niya akong hinila sa wala masyadong tao.

"Tignan mo to." Sabi niya ay biglang sumigaw ng pag kalakas-lakas na agad kong ikinatakip ng tenga at nakita ang pagbiyak ng malaking bato na nasa gilid namin.

"Isa kang god of-

"God of Sound." Nakangiti pa ding sabi nito saakin kaya nginitian ko din siya.

Maingay si Hailey habang nag-aayos ng gamit dahil bukas na ang alis namin upang mas sanayin pa ang kapangyarihan namin ngunit hindi sinabi ni Ms. Morga kung saan at kung sino ang mga kasama namin.

"Alam mo ba kahapon nagulat ako sayo, yung pagtingin mo sakin naging kulay asul yung mata mo kaya nga hindi na ako nakapag-salita non at natahimik nalang." Kwento niya, kwinekwento ni Hailey yung mga nangyari kagabi na halata namang alam ko kaya nagpapanggap nalang ako na nakikinig.

"At si Piper ayon hindi ko na nakita kanina." Agad naman siyang tumawa.

"Sino kaya kasama natin bukas no?" Napa-isip din ako sa tanong niya dahil tanging si Jasmin lang ang alam namin nakasama namin at ang anim ay hindi na.

"Hindi ko din alam." Sagot ko nalang at nag ayos na din ng gamit.

Kinabukasan...

Maaga kaming nagtungo ni Hailey sa silid ni Ms. Morga dahil doon usapang magkikita kita kaya naman sa agad namin ay nauna pa kaming dalawa.

"Hintayin niyo na lamang ang mga makakasama niyo sa pag eensayo niyo." Sabi lang ni Ms. Morga at umalis muli.

Ilang minuto palang ang nasayang ng bumukas na ang pintuan at iniluwa si Jasmin na mukhang inaantok pa kasunod naman si Peter na ganon din ang itsura ngunit ng makita niya kami ay agad siyang umayos.

"Hello." Bati ni Jasmin at saglit kaming niyakap ni Hailey at pumagitna na saamin si Peter naman ay binati din kami at umupo sa bakanteng pwesto sa tabi ni Hailey kaya alam kong kinikilig ang kaibigan ko.

"Kanina pa kayo?" Inaantok na tanong ni Jasmin.

"Hindi naman masyado." Ako na ang sumagot dahil alam kong di makakapag-salita ng maayos si Hailey.

Bumukas muli ang pintuan at pumasok ang tatlong lalaking hindi ko kilala ngunit pamilyar ang mga mukha.

"Peter!" Sabi ng lalaking nangunguna maglakad at lumapit kay Peter at binati ito ganon din ang ginawa ng dalawa ngunit sa pangatlong bumati ay ramdam ko ang pag-ayos ng upo at itsura ni Jasmin kaya naman tinignan ko siya ngunit nginitian niya lang ako.

"Hello." Bati nung pangalawang lalaki saamin nila hailey kaya naman tumango na lamang ako at umusog ng umupo sa tabi ko ang unang lalaki na pumasok at binati din ako.

"Kaleah at Hailey ito nga pala ang mga kaibigan." Pakilala ni Peter sakanila.

"Ako si River, God of water." Sabi nung tumabi saakin,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon