"Naubos lamang ang enerhiya niya kaya siya nawalan ng malay kaya huwag ka na mag-alala pa, Faith." Nagising ako sa boses na umalingasaw sa silid na to ng marinig ko ang pangalan ni mama.
Dinilat ko ang mata ko at sinubukang tumayo ngunit hindi ko kinaya dahil sa sakit ng katawan ko ngayon.
"Anak!" Agad akong tumingin kay mama na mayroong nag-aalalang mukha na agad na lumapit saakin.
"Ma.." banggit ko at sinubukang umupo sa higaan na nakahiga ako ngayon.
"Mabuti naman at gising ka na." Boses naman iyo ni Ms. Morga lumapit din saamin na ngayon ay nakatayo sa gilid ni mama.
"Kamusta ang kalagayan mo anak? May masakit ba?" Nag-aalala pa ding tanong ni mama at tinulungan akong umupo hanggang sa maisandal ko ang sarili ko sa mga unan.
"Okay na po ako huwag na kayong mag alala." Sabi ko at sinigurado pa sakanila na okay sa pamamagitan ng pag ngiti.
"Faith, maiiwan ko muna kayo dyan ni Kaleah at kukunin ko lang ang gamot na maaaring ipainom sakanya." Tinanguan ni mama si Ms. Morga kaya umalis na ito at lumabas sa sarili niyang silid.
"Pinag-alala mo ako, Kaleah." Malungkot na tono ng aking ina at hinawakan ang kamay ko.
"Ma, hindi ko naman po kasi alam na mangyayari yon bigla lang po talaga siyang lumabas ng nagalit ako." Paliwanag ko sakanya ngunit base sa ekpresyon ng mukha ng aking ina ay hindi siya masaya sa nangyari.
"Ma, okay ka lang po ba?" Tanong ko sakanya kaya agad siyang napatingin saakin gamit ang may pag-aalalang mukha.
"Nag-alala lang talaga ako sayo, Kaleah. Paano nalang kung napahamak ka? Paano nalang kung mas matindi pa ang nangyari sayo habang wala kami sa tabi mo? Hindi to magugustuhan nila.." Biglang may tumulong luha sa mga mata niya kaya hindi na natapos ang sasabihin niya.
"Ano pong ibig niyo sabihin?" Pagtataka ko.
"Wala yon anak, basta sa susunod at iingatan mo na ang sarili mo lalo na't lumabas na ang kapangyarihan mo." Sabi niya at niyakap ako.
"Asan nga po pala sina papa at flynn?" Tanong ko ng maupo na ulit siya sa pwesto niya kanina.
"May inaasikaso lang ang ama mo kaya hindi siya nakasama dito at sinama niya si Flynn dahil panigurado ay maguguluhan ang kapatid mo kapag nakita ang lugar na ito kaya ako na lamang ang nagpunta." Paliwanag ng aking ina.
"Mabuti naman po at nandito kayo dahil gustong gusto ko na po talaga kayong makita." Sabi ko.
"Huwag ka mag-alala anak, malapit na tayong mag sama-sama. Malapit na." Paninigurado niya saakin kaya tumango na lamang ako.
"Faith." Muling pumasok si Ms. Morga dala ang gamot na hawak niya.
"Salamat, Clara." Sabi naman ni mama kay Ms. Morga at kinuha ang gamot na inabot sakanya ni Ms. Morga kaya naman agad akong nag tanong.
"Clara?" Pagtataka kong tanong ng ikinatawa ni mama pati na din si Ms. Morga.
"Clara Morga, isa sa matalik kong kaibigan." Pagpapakilala ni mama kay Ms. Morga.
"Wow." Tanging nasabi ko lang at ngumuti kaya pala hindi niya kami pinababayaan.
Naging okay na din ang naramdaman ko tangin konting sakit nalang ng katawan ang meron ako kaya pinapauwi ko na si mama dahil baka hanapin na siya ni Flynn.
"Sigurado ka bang okay ka na?" Tanong niya ulit saakin.
"Oo nga ma, kaya tara na hahatid na kita palabas dito." Sabi ko naman at tumayo na.
"Sige na nga basta mag iingat ka dito." Sabi niya ulit at sabay na kaming lumabas sa silid ni Ms. Morga.
"Asan nga pala sila Hailey?" Biglang tanong ko kay mama ng mapansin na hindi ko pa nakikita sila Hailey.
"Dinalaw ka ni Hailey kanina at nung isang babae na Jasmin ang ngalan pero hindi ka pa nagigising non kaya pinapasok na sila ni Clara upang aralin ang pag fofocus ng kapangyarihan." Tumango na lang ako at kumapit sa braso ni mama habang naglalakad.
Habang naglalakad ay hindi ko naiwasan ang isipin ang nangyari kahapon at kung gaano ko nasaktan si Piper. At kung paano ako naging kalmado sa pagpigil saakin ni Damon.
"Oh paano ba yan mauuna na ako." Sabi ng aking ina ng marating namin ang labasan ng lugar na ito.
"Sigurado ka bang hindi na kita sasamahan sa may kakahuyan ma?" Tanong ko ulit pero ngumiti lang siya at hinalikan ako sa aking noo.
"Anak, okay na ako sige na bumalik ka na sa iyong silid at mag pahinga." Sabi nito at umalis na ng tuluyan kaya ako naman ay naglakad na pabalik.
Hindi ko alam pero naninibago ako sa mga tinginan ng mga nakakasalubong ko. Ang iba ay nginingitian ako ang iba naman ay binabati pa ako at ang iba naman ay masama ang tingin saakin. Ngunit hinayaan ko nalang sila at naglakad na pabalik sa silid ko.
"Tumigil ka na."
"Kaleah."Ewan ko ba ng biglang napangiti ang aking labi ng maalala ko ang mgay salitang iyon at ang init ng pag hawak niya saakin bago ako nawalan ng malay.
Siguro natuwa lamang ako dahil ayon ang unang beses na marinig ko siyang magsalita at banggitin ang pangalan ko.
Malapit na ako sa silid ko ng may ma-mukhaan akong na makakasalubong ko. Agad akong kinabahan hindi dahil sa takot kundi sa presensya niya lalo na't nag tama ang mga mata namin muli.
Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya saakin kaya naman nagpakawala ako ng maliit na ngiti sa aking labi upang batiin siya.
Ngunit ang tingin niya ay wala pa ring pagbabago, malamig at seryoso pa rin tulad ng unang kita ko sakanya. Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob upang makalapit sakanya upang mag pasalamat.
Hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya kung nasaan siya kaya naglakad na ako papunta sakanya, at laking gulat ko ng naglakad din siya papunta saakin kaya naman mas lalo akong kinabahan.
Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko habang siya ay palapit ng palapit hanggang sa maramdaman ko ang pagtama ng kaliwang braso niya sa kaliwang braso ko.
"Salamat nga pala kahapon, Damon." Ngunit para lamang akong nagsalita sa hangin ng daanan niya ako at balewalain.
Sa kilos niyang yon ay para bang nasaksak ng isang beses ang puso ko sa dismaya at lungkot sa ginawa niya.
Ngunit bago pa man ako lumingon sakanya ay may tumawag na ng pangalan ko.
"KALEAH!"
--