Kabanata 5

4 1 0
                                    


Kinaumagahan ay nag ayos at dumeresto na din kami ni Hailey sa silid kung saan naming pinag aaralan ang kapangyarihan namin. Mabuti at nasa loob na si Jasmin kasama si Peter.

Tumabi si Peter ng makita kaming papasok ni Hailey dahil naka-upo siya sa upuan ni Hailey.

"Tara na upo na tayo." Sabi ng kasama ko at hinila na ako.

"Kaleah, Hailey!" Masayang sabi sa pangalan namin ni Jasmin ng naupo na kami sa tabi niya.

"Pag tapos ng klase natin dito pupunta na tayo kung saan kayo mag eensayo dahil ilang araw nalang ang binigay sainyo ni Ms. Morga." Sabi ni Jasmin at umayos na ng upo ng pumasok si Mr. Jed.

Inayos ko na din ang upo ko at bago tuluyang tumingin at makinig kay Mr. Jed ay tinignan ko muna ang paligid ko at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay bumagsak ang mga tingin ko sa lalaking nasa likod at seryosong nakatingin sa harapan.

Iba talaga ang dating niya, seryoso, nakakatakot, ang gandang pagmasdan ng mukha niya. Aalisin ko na sana ang tingin ko sakanya ng bigla siyang tumingin saakin siguro ay naramdaman niya ang mga titig ko kaya naman agad na akong umiwas at nakinig na kay Mr. Jed.

Lumipas ang oras at ni isang salita ay hindi ko man lang naintindihan dahil hindi ako maging komportable ngayon. Dahil ramdam ko ang pagtitig saakin ng sinoman hindi ko naman magawang tignan at hanapin dahil makikita agad ako ni Mr. Jed.

"Maaari  na kayong bumalik sa inyong mga silid o mag-ensayo na." Sa pag labas ni Mr. Jed ay agad kong hinanap ang mga tingin na kanina ko pa gustong malaman kung kanino galing.

Ngunit huli na, wala na ang iba tanging kami nalamang nila Hailey ang natira.

"Mas magandang kumain na muna tayo tapos magtungo na tayo sa pupuntahan natin." Sambit ni Hailey dahil halatang gutom na.

"Sige doon nalang ulit tayo sa kinainan natin." Sabi naman ni Jasmin na naunang lumabas kaya sumunod na si Hailey at pati na rin ako.

Habang naglalakad kami papunta sa kakainan namin ay may kung ano ang tumama sa ulo ko kaya naman natumba ako.

"Aray!"
"Kaleah!"

"Kaleah okay ka lang?" Lumapit saakin sina Jasmin at tinulungan akong tumayo.

"Sino gumawa sayo nyan?" Singit naman ni Hailey.

"Ang sakit." Tanging nasabi ko lang sa mga tanong nila.

"Sorry!" Boses ng babae ang umalingawngaw kaya naman agad akong napatingin sa pwesto kung saan galing ang boses.

"Sila Piper." Rinig kong sabi ni Jasmin ang tinutukoy ni Jasmin ay ang mga grupo ng babae kung saan doon galing ang tumama sa ulo ko.

"Ano ginawa mo, Piper?" Inis na sabi ni Jasmin sakanila at nilapitan pa kaya naman sumunod kami ni Hailey pero biglang kumirot ang tama saakin kaya napatigil ako saglit at nag umpisa na ulit na maglakad dahil babawi pa ako.

"Duh! Kasalanan ko bang humaharang siya doon kaya binato ko siya." Maarte at prangkang sabi nitong babae na to na pulang pula ang bibig.

"Mag sorry ka ngayon din Piper kung ayaw mong malaman to ni Ms. Morga." Seryosong sabi ni Jasmin at si Hailey naman ay nananahimik pa din at tila may tinatagong galit.

"Alam mo Jasmin? Wala naman akong pakealam kung magsusumbong kayo kay Ms. Morga gusto niyong samahan ko pa kayo?" Natatawang sabi nito saamin kaya pati ang iba niyang kasama ay tumawa na din kasabay niya.

FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon