Umpisa na ng aral namin kung paano namin kokontrolin at gagamitin ang kapangyarihang mayroon kami.Nandito na kami ni Hailey sa silid kung saan namin aaralin ang paggamit sa kapangyarihan namin, kasama namin Jasmin na kanina pa nagdadadal at ang iba naman na may sari-sariling pinag uusapan.
"Ang tagal naman ni Mr. Jed yung magtuturo saatin naiinip na ako." sabi ni Jasmin ay kumalumbaba sa lamesa niya.
Ibang iba tong silid na to, malawak at walang board sa harapan at table hindi kagaya sa mundo ng mga tao.
"Woahhhh!" lahat ng babae kasama na si Hailey at ay biglang nag ingay ng may pumasok na isang lalaki at kasunod naman nito ay si Peter.
"Hala ang pogi niya, Leahhhh!" kinikilig na sabi ni Hailey.
"Si kuya Peter at Damon." sabi nalamang ni Jasmin na biglang nairita ang mukha sa nakita niya.
"Paano mo sila nakilala?" tanong ko na lang.
"Paanong hindi ko sila makikilala eh kapatid ko si kuya peter at matalik naman niyang kaibigan si kuya damon." sabi nito saamin.
"Bat ba kasama natin sila akala ko pa naman free akong gawin ang lahat kainis." dagdag pa nito na lalong naiirita.
"Ano ka ba Jasmin! Maganda nga yon eh puro pogi kasama natin hihihi." ngiting ngiting sabi ni Hailey.
"Hindi kaya maganda yon!" malungkot na sabi niya.
"Hoy Jasmin bat nandito ka?" agad akong napatingin sa nagsalita at si Peter pala na nasa harapan ni Jasmin.
"Ano naman sayo kuya? Doon ka nga!" taboy nito sa kapatid niya.
"Hay nako! Kinakaibigan niyo to, Kaleah? Napaka-suwail na bata na to." inis niya sa kapatid niya, tinignan ko naman siya na halos pinipigilan ang ngiti niya dahil halatang napipikon na si Jasmin.
"Epal ka talaga kuya! Doon ka na kay kuya Damon mga friends ko to bawal ka makisali." parang batang utas niya.
Sinulyapan ko naman ang Damon na sinasabi ni Jasmin na nasa likod nakaupo at nakatingin lang si ginagawa ni Peter ng agad siyang napatingin sa direksyon ko kaya naman agad akong umiwas. Shit! Kinabahan ako don, ibang iba ang aura niya.
"Oo na panget pupunta na ako sa crush mo." inis pa ni Peter na ikinamulay ni Jasmin.
"Epal ka talaga! Susumbong kita kay Ms. Morga." Inis na sabi nito at pinalo ang kanyang kuya.
"Grabe ang pogi talaga ni Peter." napatingin ako kay Hailey na ngayon naman ay nagpa-fantasia kay Peter.
"Kadiri ka naman Hailey!" inis na sabi ni Jasmin kaya naman natawa ko.
"Ayan na pala si Mr. Jed." nagsi-ayos ang lahat kasama na ako dahil sa dating lang niya at tunay na nakakakaba. Mukha siyang stricto na handang mangain anytime.
Sa loob ng ilang oras na pagsasalita at pagde-demostrate niya sa lahat ng ginagawa niya ay tanging nagawa ko lang ay ang makinig at tumingin sakanya. Dahil para saakin din naman tong tinuturo niya.
"Kung mafo-focus kayo ay lalabas na ang kapangyarihan niyo, at ang pag-iisip na gagawin niyo ay dapat mabuti para maganda ang kahihinatnan ng kapangyarihan niyo." Mr. Jed
"Sa susunod na pagkikita natin at gagawin niyo na ang tinuturo ko dito mismo sa unahan kaya habang may natirirang araw at mag-ensayo na kayo." Lumabas na siya pag tapos kaya naglabasan na din ang iba, ang iba naman ay natira dito kagaya ko.