Kabanata 2

6 2 0
                                    


Nagising ako hindi dahil sa liwanag kundi dahil sa ingay ni Hailey. Nagsisigaw siya habang nasa loob ng banyo.

"GRABE! LEAH ANG ASTIG TALAGA DITO!" Masayang sigaw niya ng makalabas siya ng banyo.

Tumayo na ako at naghikab laking gulat naming dalawa ng agad bumukas ang pintuan at may pumasok na babae.

"Oohhh!" Tinakpan agad ni Hailey ang katawan niya at agad nagtago sa likod ko.

"Sorry, Ms. Kaleah at Ms. Hailey. Pinapatawag lang po kayo ni Ms. Morga para mag almusal na." Ilang na sabi ng babae at yumuko.

"Sige, susunod na kami. Salamat." Sabi ko nalang at lumabas na siya.

"Kinabahan ako don ah akala ko kung sino na." Nagbihis na si Hailey at ako naman ang sumunod sakanya.

Naglalakad kaming dalawa na hindi man lang alam kung saan kami pupunta dahil hindi ko natanong sa babae kanina. Halos lahat ng naglalakad dito tinitignan kami, yung iba ngumingiti, yung iba walang pake at yung iba naman nagsusungit.

Napatigil kami sa paglakad ng may lumitaw na malaking pusa sa harap ni Hailey na agad naman niyang ikinataranta.

"Bruno!" May lumapit na babae sa gawi namin at tinawag na bruno tong malaking pusa sa harap ni hailey.

"Hello." Nag-anyo itong tao at agad tumawa sa reaksyon ni Hailey.

"Pagpaumanhin niyo po ang kambal ko ganito lang po talaga to." Sabi ng babae at piningot ang lalaki habang hinila ito papaalis.

"Woah! Grabe akala ko lalapain na ako non." Naglabas siya ng isang malaking pag hinga.

"Asan na kaya si Ms. Morga?" Tanong ko sakanya.

"Aba malay ko ikaw tong kausap ng babae kanina eh." Biglang may lumitaw sa harapan namin galing sa itaas.

"Peterrrr!" Masayang sabi ni Hailey.
"Kanina ko pa kayo hinahanap, kanina pa kayo hinihintay ni Ms. Morga sa kainan." Sabi niya samin at agad kaming hinawakan sa balikat ni Hailey at pag kurap ko ay nasa harapan na namin si Ms. Morga.

"Tila'y napakatagal niyong dalawa. Umupo na kayo." Sumunod naman kami ni Hailey dala na din ng gutom.

"Peter salamat sayo, sumabay ka na din samin." Kalmadong sabi niya.

"Maraming salamat po Ms. Morga ngunit magsasanay pa ako." Agad itong nawala kaya kumain nalang kami at kinamusta ni Ms. Morga.

"Mag uumpisa na ang pag pasok niyo para lalo niyong matutunan gamitin ang kapangyarihan niyo. Inayos ko na ang lahat at mag uumpisa na kayo bukas." Ms. Morga

"Saan po ba kami bukas? Tsaka magkasama po ba kami ni Hailey?" Tanong ko.

"Huwag ka mag-alala, Kaleah. Mag kasama kayo ni Hailey dahil parehas kayo ng gagawin." Nag apir kami ni Hailey at kumain na.

Iniwan na kami ni Ms. Morga dahil madami pa daw siyang aasikasuhin pero pinabantayan niya kami sa isang babae.

"Ako nga pala si Jasmin." Bati niyo saamin mukha namang mabait kaya agad gumaan ang loob ko.

"Hello, Jasmin. Ako naman si Hailey at ito naman si Kaleah." Nakangiting pakilala ni Hailey habang naglalakad kami dito sa school na papasukan namin.

"Bakit nga pala sa mundo kayo ng mga tao lumaki? At bat nagbalik kayo dito?" tanong niya saamin.

"Wala namang nababanggit saamin yung mga parents namin tungkol don. At kaya kami bumalik ka-

"Kasi sinira ni Hailey ang isang building sa pinapasukan namin. Kaya ayon dinala na kami dito para umiwas na sa gulo." singit ko dahil hindi ko talaga makakalimutan yon. Nagkatinginan kami ni Hailey ng biglang tumawa si Jasmin habang hinahawakan na yung tyan niya.

"Grabe, buti hindi kayo pinag kaguluhan don at hindi sila nagtaka sainyo." Tanong niya ng matapos siyang matawa.

"Muntikan na nga eh, buti nalang at nakagawa ng paraan ang mama ni Hailey na tanggalin lahat ng memorya ng mga tao yung nangyari yon." dagdag ko pa.

"Pero mabuti na din yon, ngayon may bago na ulit akong mga kaibigan." Nakangiti nitong sabi saamin at hinawakan ang kamay namin ni Hailey.

"Friends na tayo ah." Masaya niyang sambit.

"Sureeee!" Masaya ding sabi ni Hailey at niyakap kaming dalawa.

Nagkwekwento lang si Jasmin tungkol sa lugar na to.

"At alam niyo ba hindi tulad sa mundo ng mga tao madami kayong inaaral dito tanging pag aaralan niyo lang ay kung paano kontrolin at gamitin ang kapangyarihan niyo."

"Buti naman dahil ayoko talagang madaming pinagaaralan nakakasira ng utak." hailey

"Loka-loka ka talaga Hailey." sabi ko nalang at umiling.

"Ay oo nga pala nakalimutan kong sabihin sainyo, pero pinalipat ako ni Ms. Morga kung saan kayo bukas. Bali magkakasama tayo bukas." masayang sabi niya saamin.

"Ano nga palang kapangyarihan meron kayo?" Tanong nito saamin.

"Sa totoo lang, wala pa kaming alam kung ano ba talaga meron kami. Dahil simula nung nasira ko ang isang building na pinapasukan ko ay hindi na muli lumabas ang kapangyarihan ko." Sagot ni Hailey.

"Totoo, ganun din saakin hindi na lumabas ang kapangyarihan ko simula ng maaksidente ako noon." Sagot ko din.

"Hayaan niyo lalabas din yan lalo na pag nakapasok na tayo bukas matututunan niyo kung paano maipalabas at kontrolin ang kapangyarihan niyo." Sabi ni Jasmin.

"Madami din ang nangyaring ganyan dito nahirapan silang palabasin ang mga kapangyarihan nila dahil may nangyari sakanila o ano pa. Ngunit lalabas din yan sa tamang panahon nga lang." dagdag ulit ni Jasmin.

--

FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon