Naglalakad kaming tatlo papunta sa silid kung nasaan man si Ms. Morga dahil pinapatawag niya daw kami ni Hailey.
"Ano nagamit niyo na ba ulit kapangyarihan niyo?" Tanong ni Jasmin habang may tinitignan sa palad niya.
"Huli tong lumabas nung nasa kabilang mundo pa kami. Pero ngayon hindi pa." Sabi naman ni Hailey.
"Ako, matagal na tong hindi lumabas simula nung bata pa ako sa aksidenteng nangyari sakin." Paliwanag ko na agad kinaseryoso nilang dalawa kasama na din ako.
"Lalabas din yan Leah basta't magsasanay ka lang, at pag lumabas na tong palatandaan na isa kayong magic user ay lalabas na ang kapangyarihan niyo at pwede niyo pa silang gamitin kahit kailan niyo gusto." Pinakita niya saamin ang palad niya na may palatandaan nga.
"Wow! Ang ganda nito." Manghang-mangha si Hailey sa palad ni Jasmin na may korteng bilog at may naka-ukat na kidlat na imahe.
"Ang ganda nga." Sabi ko din.
"Matagal na yang nandyan simula nung natuto akong ikontrol at mag focus sa kapangyarihan ko." Sambit niya at tiniklop na ang kamay at pag buka nito wala na yung palantandaan.
"Bat nawala?" Tanong ni Hailey.
"Hinayaan noon ng hari at reyna na itago ang mga marka natin upang mailigtas tayo sa mga masasamang tao, dahil noon daw pag may nakitang ganitong ukit sa palad ng isa man saatin ay pinapatay ng mga black magic users." Paliwanag ni Jasmin.
"Excited na akong lumabas na yung ganyan ko." Nakangiting sabi ni Hailey kaya naman ako ay tinignan ang palad ko at naging excited na ding lumabas yung akin.
"Mga bata."
"Ms. Morga." bati naman kay Ms. Morga na nakatayo sa harapan namin.
"Nais ko kayong makausap kaya sumunod kayo saakin, pati na rin ikaw Jasmin." Tinalikuran niya kami at nagsimula ng lumakad.
Sinundan lang namin si Ms. Morga hanggang sa pumasok siya sa isang silid na malaki at puno ng mga aklat na kakaiba ang mga itsura.
"Ito ang aking silid, kaya maupo na muna kayo at kukuha ko kayo ng maiinom."
"Napakaganda naman ng silid ni Ms. Morga." Sambit ko habang tinitignan ang buong silid niya na puno ng libro at higaan na kakaiba kaysa sa higaan sa kabilang mundo.
"Sinabi mo pa, Leah. Ang ganda ganda nga puro libro." Singit din ni Hailey at nagsimula ng tumayo at galawin ang gamit ni Ms. Morga kaya ginaya ko na din siya.
Hinawakan ko ang parang gintong orasan na nakalagay sa lamesa dito malapit sa higaan niya.
"Sinabi ko bang mangialam kayo sa mga gamit ko?" Muntikan ko ng maibagsak ang gintong orasan ng biglang magsalita si Ms. Morga mabuti na lamang ay nahawakanko ito at ibinalik sa kung saan ito nakalagay.
"Pasensya na po, Ms. Morga natutuwa lang po kami sa gamit niyo." Sabay naming banggit ni Hailey at sabay din kaming umupo.
"Pinapunta ko kayo dito dahil gusto kong tanungin kung alam niyo na ba kung paano mapapalabas ang kapangyarihan niyo?" Tanong ni Ms. Morga at umupo sa harapan naming tatlo.
Nagtinginan kami ni Hailey at sabay na sumagot ng..
"Hindi pa po."
"Sinasabi ko na nga ba, sige bibigyan ko kayo ng limang araw upang mag-ensayo na mailabas ang kapangyarihan niyong dalawa. Jasmin tutulungan mo sila upang mailabas yon, at may ipapadala pa ako upang tulungan kayo." Banggit ni Ms. Morga at tumayo na.
"Maaasahan niyo po ako, Ms. Morga." Sambit ni Jasmin.
"Ngunit..." Biglang sumeryoso ang boses ni Ms. Morga at tinigan kami sa mga mata.
"Kung sakali na isa man sainyo ang... mayroong higit na isa na kapangyarihan ay huwag na huwag niyo ipapaalam sa kahit na sinoman kahit na sa mga kaibigan niyo pa. Dahil baka ito ang magdala sainyo sa kapahamakan." Seryoso at mahinang sambit ni Ms. Morga na agad nagpakaba saakin.
"P..po paano po iyon mangyayari?" Tanong ni Hailey na halatang natakot din ngunit si Jasmin at tahimik lamang na nakikinig saamin.
"Itong mundo natin at kilala bilang ang mga tao ay mayroong tigi-isang kapangyarihan at kapag lumagpas ito sa isa ay ipinapapatay ito na mga taga-black land hindi sila tumitigil hanggang hindi nila ito napapatay gaya ng ginawa nila saating hari brayden at reyna avery at sakanilang anak." Malungkot na sambit ni Ms. Morga na tila ba'y nasasaktan pa din sa alaala na sinasambit niya.
"Pasensya na po sa aking sasabihin ngunit hindi po ba impossible na isa sakanila ang may hawak ng isa o higit pang kapangyarihab dahil alam naman oh natin na may kanya kanya silang pamilya?" Naguguluhang tanong ni Jasmin kay Ms. Morga.
"Maaaring tama ka sa iyong nabanggit bata, ngunit huwag din tayong mawalan ng lakas ng loob na buhay pa ang prinsesa na itinakda na wawasak sa itim mahika." Seryoso at malakas na loob na banggit ni Ms. Morga habang nakatingin saakin.
"Sige na maaari na kayong pumunta sa mga silis niyo at magpahinga." Tumayo na kami at naglakad palabas ng silid ni Ms. Morga.
"Bakit tila labis na nasasaktan pa din si Ms. Morga sa binabanggit niya tungkol sa reyna?" Tanong ko kay Jasmin.
"Dahil ang ating reyna na si Avery ay matalik na kaibigan ni Ms. Morga kaya ganoon nalamang siyang masaktan pag nababanggit ang reynang Avery dahil napakalupit na trahedya ang ginawa sakanya pati na rin sa haring brayden at sa magiging anak nila." Sabi ni Jasmin.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Hailey.
"Ang sabi dito ay ang nagpapatakbo ng kaharian natin ay sina Reyna Avery at Haring Brayden sila ay nagtataglay ng higit pang isa na kapangyarihan kaya ito noon ay kilala bilang pinaka-makapangyarihan na palasyo sa buong mundo natin. Ngunit sa labis na inggit ni Savannah na ngayon ay reyna ng black land ay ginawa kiya ang lahat upang mapatay ang ating reyna at hari ngunit hindi siya nagiging tagumpay dahil apat ang kapangyarihang mayroon ang hari at reyna." Kwento ni Jasmin.
"Wait nga, paanong apat ang kapangyarihan nila?" Naguguluhang tanong ko na ikinatawa ni Jasmin.
"Ganito kasi yon, ang Reyna Avery ay nagtataglay ng kapangyarihan ng hangin at tubig ang Haring Brayden naman ay mayroong apoy at lupa. Kaya mahihirapan talaga kung sino man ang mga hampaslupa ang lalaban sakanila. Ngunit sa kasamaang palad ay napatay sila ni Savannah pati na rin si Zepher ang naghahari sa black land." Salaysay ni Jasmin.
"Paano yung bata?" Tanong ni Hailey.
"Huwag kayong maingay, ngunit ang alam ko ay umaasa ang mga nasa kunseho at nasa loob ng palasyo na buhay pa ang itinakda na tatapos sa kasamaan ng mga black magic users. Dahil wala daw silang bangkay na nakuha o nahanap noon ngunit ang bangkay lamang ng hari at reyna ang nahagilap noon. Kaya hanggang ngayon ay patuloy pa rin sila sa pag hahanap sa nawawalang tagapagmana ng kaharian."
"Labis palang kalunos-lunos ang nangyari sakanila." Sabi ko na lamang.
"Mabuti nalang talaga ay hindi nakuha ang kapangyarihan ng hari at reyna kung hindi at wala na tayo ngayon." Dagdag ni Jasmin.
"Kung walang nakuha sina Savannah noon asaan na ang kapangyarihan ng hari at reyna ngayon?" Tanong ko.
"Ang pinaniniwalaan ng mga tao ngayon ay isinalin ito ng hari at reyna sa kanilang anak kaya ganoon na lamang ang paghahanap nila dito. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito mahanap." Sabi niya.
"Paano kaya kung ako yung tagapagmana?" Biglang singit ni Hailey na halatang nagpapantasya.
"Manahimik ka nga, Hailey. Hindi magandang biro ang iyong sinasabi." Sagot ko sakanya.
"Biro lang naman tsaka ang impossible no dahil iba ang pamilya ko." Sagot naman nito.
"Nako! Tama na ang kwentuhan na to, tara na at magpahinga na tayo sa ating mga silid ang magkita na lamang tayo bukas para sa ating at inyong pagsasanay." Sabi ni Jasmin at iniwan na kami ni Hailey at agad pumasok sa silid niya kaya pumasok na din kami.
"Grabe pala mga kaganapan dito no?" Sabi saakin ni Hailey.
"Oo nga, hanggang ngayon pala ay hindi pa din nahahanap ang tagapagmana." Sagot ko.
"Sana ikaw nalang no." Pabirong sabi ni Hailey saakin.
"Baliw." Nakangiti ko ding sabi sakanya at nagtawanan kaming dalawa.
--