takot

3 0 0
                                    

takot ang aking nararamdaman
puso ay takot ang laman
takot na muling maiwan
ng walang dahilan

takot ako dahil ako'y nagmahal
ng taong walang ginawa kundi ako'y saktan
takot na akong magmahal
sa mundong puro laru-laruan

hindi ko alam kung kaya pang sumugal
sa hindi siguradong pagmamahal
hindi ko alam kung kaya ko pang umibig
ako'y nasaktan sa purong kasinungalingan na lumalabas sa iyong bibig

ang iyong ginawa
ay may iniwang sakit
na hindi mawala wala
lalo na't ang isip ko ay puro bakit

bakit mo ako iniwan?
bakit mo ako pinaglaruan?
bakit ka humanap ng iba?
hindi pa ba ako sapat aking sinta?

mundong puro bakit
na alam kong hindi masasagot
mundong puro sakit
na alam kong hindi magagamot

bakit mo ginawa 'to sakin?
bakit nagiwan ng matinding takot
na maranasan muling hindi mahalin?
puro bakit na hindi masasagot kaya ang puso ko ay nakakaramdam ng takot at lungkot

Hidden ThoughtsWhere stories live. Discover now