mahal kita

3 0 0
                                    

mahal kita, bakit ganto?
mahal kita, pero anong ginawa mo?
mahal kita, kahit na ginago mo
mahal kita, bakit ba ang tanga tanga ko?

bakit mahal pa rin kita
sa kabila ng sakit
bakit mahal pa rin kita
sa kabila ng paghahanap mo ng aking kapalit

tanga mang matatawag
pero wala eh, ang pagmamahal ko sayo ay matatag
na kahit bagyo ay di kayang alunin
kahit lindol ay di kayang gibain

inaantay ang panahon na ikaw ay magbabago
pangakong nandito ako lagi para sayo
ano man ang mangyari ay hindi ka iiwan
tanga nga ako, dahil aantayin kita kahit ako'y masasaktan

Hidden ThoughtsOnde histórias criam vida. Descubra agora