makalipad

6 0 0
                                    

hinahangad kong makalipad. hinahangad kong madama ang mga ulap na kay gandang tanawin. hinahangad kong makalipad upang makababa mula sa aking pagkakaiwan sa ere. pagiwan niya sa akin matapos ang masasayang ala-ala. pagiwan matapos malagpasan ang lahat ng pagsubok. pagiwan matapos ang lahat lahat.

hinahangad kong makalipad upang masundo at matulungan ang lahat ng taong kagaya ko. kagaya kong iniwan, pinaasa at sinaktan. nais ko silang matulungan na makaraos mula sa sakit na pare-pareho naming nararamdaman.

hinahangad kong makalipad upang makaahon mula sa aking pagkakabagsak mula ng iyong ginawang pagpapahirap. hinihiling ko na sa pamamagitan ng kakayahan kong paglipad ay makakabangon ako sa aking pagkakabagsak, magiging maayos ang lahat at matatanggap ko na ikaw at ako ay pinagtagpo ngunit hindi ipinagkaloob.

Hidden ThoughtsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin