nais ko

4 0 0
                                    

nais kong manatiling matatag dito sa mundong puno ng pagbabago. nais kong maging masaya sa mundong puno ng kalungkutan. nais kong maging ilaw sa mundong nababalot ng kadiliman.

nais ko, nais ko, nais ko na lang ang lahat! hindi magawang matupad.

ngunit paano? paano ko nga ba ito matutupad kung ikaw ang nagbago? nawala at iniwan ako? paano ako magiging masaya kung ikaw na kasiyahan ko ay iniwan akong nagdudusa? paano ako magiging ilaw, kung ikaw ay nakahanap na ng iba na mag gagabay sayo patungo sa isang paraiso? paano ko ito matutupad kung ikaw na mundo ko ay lumisan at tuluyan ng binalot ang mundo ko ng kalungkutan at kadiliman?

Hidden ThoughtsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang