fairytales

1 0 0
                                    



umibig at nasaktan
yan ang aking naranasan
paulit ulit na nararamdaman

pagibig?
o kay gandang pakinggan
nakakabighani na tila ba ika'y inaakit
ngunit kaakibat nito ay sakit

sakit na pang matagalan
sakit na magiiwan ng napakaraming katanungan
na alam nating wala namang maibibigay na kasagutan

ngunit sa kabila ng sakit
masisisi niyo ba ako kung maniniwala ulit?
naniniwalang may pagibig
sa ating paligid

masisisi bang kinikilig sa storya ng iba?
iniisip na sanay ganyan ang nangyare sa ating dalawa
ngunit hindi tayo tinadhana
kung kaya't umaasa na lang sa kwento ng iba

maaaring nakaranas ng sandamakmak na sakit
ngunit anong mali sa pagmamahal ulit?
sa paniniwalang sa susunod ay mas maayos na
ang ating pagmamahal na madarama

hindi masamang umasa
lalo na kung kasiyahan sa dulo ay ating matatamasa
hindi masamang kiligin
pero sana ay ating isipin ang ating pusong marupok na kay daling basagin

maniwala ka sa pagibig
wala namang mawawala sayo
yun nga lang iba't ibang emosyon ang mararamdaman mo
eh ano naman?
ang mahalaga sumubok ka
at sa huli ay hindi ka magsisisi
na ika'y tulak ng bibig kabig ng dibdib

Hidden ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon