ngiti

3 0 0
                                    

hindi naman tayo
pero bakit ganito?
nagseselos at nagtatampo
naiiyak dahil wala sakin ang atensyon mo

walang sapat na dahilan
kung bakit ganito ang nararamdaman
basta ang alam ko lang
ako'y nagmamahal at nasasaktan

ito nga ba ang aking nararamdaman
o sadyang nasanay lamang
sa mga oras at panahong tinuon mo sa akin?

wag kang magalala
alam kong hindi at walang 'tayo'
kaya ako'y mananahimik sa isang tabi
naghahangad na isang araw ay muling maibabalik ang ngiti sa aking labi

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Feb 12, 2018 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Hidden ThoughtsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant