IHPOB 2 : Wala ng lahat.

6.7K 87 0
                                    

Chapter 2.

Nagising ako dahil sa narinig kong ingay sa loob ng kwarto ko. Nakita ko si Papa, si Mama at si Kuya Price na may dalang mga lobo.

"Happy 8th birthday sa paborito kong anak. Happy Birthday, Qwyncy!" Saad ni Papa. At hinalikan ako nito sa aking noo.

"Happy Birthday, Qwyn." Bati naman ni Mama sa akin at hinalikan rin ako nito.

"Goodmorning Qwyn! Happy Birthday. Kuya loves you so much." Bati rin ni Kuya Prince sa akin.

"Thank you Papa, Thank you Mama, Thank you Kuya. Mahal ko din po kayong lahat!" Nakangiting saad ko.

"Oh sya, bangon na. Dali! Dahil birthday ng Qwyn ko. Kakain tayo sa labas at gagala na rin." Masayang sabi ni Papa.

"Talaga po Papa?" Masayang tanong ko.

"Oo anak. Kakain tayo sa mamahaling restaurant. Birthday mo kasi eh." Sagot ni Papa.

"Pero diba po mahirap lang po tayo? Saan po tayo kukuha ng pera pang bayad sa restaurant?" Malungkot na tanong ko.

"Don't worry, my Qwyn! May pera si Papa, bagong sweldo. Kaya may pang babayad tayo. Saka minsan lang naman iyon diba?" Nakangiting sagot pa rin sa akin ni Papa.

Bigla naman akong natuwa sa sinabi ni Papa. Excited na ako.

"Yehey! Kakain kami sa restaurant. Maliligo na po ako, Papa. Excited na po ako." Nakangiting sagot ko at agad naman akong bumaba sa kama ko at nagderetcho aa banyo para maligo.

Kakatapos lang naming kumain sa maganda at mamahaling restaurant. Dinala kami ni Papa sa isang parke. Halos puro pamilya ang mga nandito. Yung iba ay nagpipicnic ung iba naman ay masayang nakikipaglaro sa mga anak nila.

Kaya naman tuwang tuwa talaga ako ng dalhin kami ni Papa dito. Masaya kaming naglalaro, naghahabulan at kung minsan ay nagtatawanan pa.

"Papa, may nagtitinda ng ice cream. Pwede mo ba akong ibili?" Tanong ko.

"Oo naman. Ikaw pa, eh malakas ka sa akin." Sagot ni Papa. "Strawberry flavor."

"Alam mo talaga ang paborito ko papa." Sagot ko. "Dont forget po yung kay Mama at Kuya ha?"

"Of course anak. Dito muna kayo, bibili lang ako." Saad ni Papa at lumakad ito papunta sa nagtitinda ng ice cream. Naiwan kami nila Mama na nakaupo sa isang bench.

"Mama, ang saya saya ko po. Sobra." Saad ko.

"Masaya rin kami ni Papa nyo na makita kayong masaya ni Kuya Prince mo anak." Saad ni Mama at niyakap kami nito.

"Ay, bakit kayo lang? Ang daya! Hindi ako kasali sa group hug nila." Saad ni Papa na nakatayo at may hawak na apat na ice cream. "Strawberry flavor for my Qwyn." At inabot nito sa akin ang ice cream. "Chocolate flavor for Prince and Vanilla flavor for Mama." Saad ni Papa habang inaabot ang mga hawak na ice cream.

I'm her Playmate on Bed. (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon