Chapter 9.
"Mahal kita Qwyn." Napairap lang ito sa narinig.
Dadalhin ako dito para yun lang ang sabihin nya sa akin. Akala ko gusto nya kaming mag usap. "Iyan lang ang sasabihin mo sa akin, mas matagal pa yung sinakay natin sa elevator kesa jan sa sinabi mo."
"Thats the truth, kaya ko sinasabi sa iyo." He said.
"Pwede ba Liam, sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. Wag mong sayangin ang oras ko." Mataray na sagot ko dito. "Anong kailangan mo?"
"You!" Sagot nito.
"Pag hindi ka sumagot ng maayos ibabato ko saya itong sandals ko." Saad ko. Hinawi ko ang laylayan ng dress na suot ko at akmang huhubari ko ito.
"May sugat ka Qwyn." Saad nito at saka mabilis mapatakbo sa harap ko at agad rin naman nitong hinawakan ang paa ko para itaas.
Maliit na sugat lang naman ito hindi naman din masakit. Bakit kasi ang linaw ng mata nya, pati ba naman sugat ko nakita pa.
"Hindi mo na kailangan hawakan ang paa ko para tingnan ang sugat ko. Hindi naman malaim yang sugat na yan." Saad ko. Pero tiningnan nya lang ako. "Malayo yan sa bituka, hindi nakakamatay yan."
"Sugat yan kailangan gamutin yan." He said. "Baka kung napaano ka."
Napahiyaw na lang ako sa sobrang inis. "Bwisit! Yang lang ba talaga ang concern mo kaya mo ako dinala dito, ha Liam? Kung wala kang sasabihin, tigilan na natin tong kalokohang to."
Binawi ko ang paa kong hawak nya at naglakad palayo sa kanya. Nagulat na lang ako sa ingay galing sa chopper. Umaandar na ito. Umikot ang nasa taas nito, kaya natigilan ako. Naramdaman rin na nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito.
Kung tapos ka na makipag usap sa lalaking yan. Sumakay ka na. Hindi pwedeng hindi mo ituloy to. Nandito na tayo. Masisira ang mga plano mo. Ako na bahalang magsabi kala mama at papa. Ako na ang magpapaliwanag sa kanila. Umalis ka na kung ginugulo ka lang nyan.
Text ni Kuya. Hinarap ko si Liam.
"Wala ka na bang sasabihin? Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako." Saad ko. At unti unti naglakad palapit sa sa sasakyan ko.
Nakita ko ang pagtataka sa muka nito. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito. Nasa my pinto na ako.
"Wait, aalis ka?"
"Kailangan kong gawin to." Sagot ko. Mabilis syang lumapit sa akin.
"Hindi pwede Qwyn."
"Hindi mo na ako mapipigilan Liam, buo na ang disisyon ko."
"Bakit? Bakit Qwyn?" He asked. "Bakit kailangan mong gawin to?"
"Para makalayo ako sayo." Sumakay na ako sa loob.
"Qwyn, please. Please listen to me." Saad nito at hinahampas nito ang bintana ko. Nagbukas ulit ako para harapin sya.
"Liam kung talagang mahal mo nga ako. Hahayaan mo akong umalis at gawin ang gusto ko. Kung mahal mo ako irerespeto mo kung ano ang maging disisyon ko. Kung mahal mo ako, hihintayin mo ang pagbabalik ko. Babalik din naman ako Liam. Gusto ko lang lumayo, gusto lang gawin ang mga gusto kong gawin. Gusto kong mag aral. Gusto ko pagbalik ko meron na akong maipagmamalaki at hindi na mababa ang tingin sa akin ng mga tao. Kagaya mo."
"Qwyn, hindi mo kailangan gawin to. Mayaman ang pamilya mo, mayaman ako. Kaya kitang buhayin. Kaya kong ibigay sayo lahat ng pangangailangan mo. Please Qwyn, wag kang umalis."
"Liam, hindi sa lahat ng pagkakataon gagana ang pera mo. Hindi lahat kayang bilhin ng pera mo. Dahil hindi nabibili ng pera mo ang disisyon ko. Sana irespeto mo."
BINABASA MO ANG
I'm her Playmate on Bed. (on going)
RomanceIniwan. Nagmahal. Nagpakatanga. Iyan na yata ang mai-dedescribe ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag gamitin ng isang lalaki para lang pagselosin at makuhang muli ang minamahal na babae.