Chapter 6Nandito lang ako sa bahay kasama ko si Cess, restday ko ngayon sa coffee shop. Yes. Bahay lang. Bumili si kuya ng isang bungalow type na bahay sa isang di pa kilalang subdivision. Wala pa masyado nakatira dito. Nakita lang namin ni kuya ito nung naghahanap kami ng apartment. Wala na ako sa apartment ni Mommy Marta. Nakita namin na house and lot for sale. At nag inquire agad si kuya. Buti na lang at ready for occupancy na. Meron na rin ilang gamit dito. Palipat na raw sana dito ung may ari nitong bahay kaya may mga gamit na. Kaso ay biglang dumating ang visa nila papuntang Australia at staying for good na daw doon kaya binenta na rin nila ang bahay at ang ibang gamit.
Ayos na rin naman daw yung ganito sabi ni kuya para wala kaming iniintindi na babayaran monthly. Kay kuya itong bahay. At dito kami nakatira. Yes, kaming tatlo. Para daw my kasama kaming lalaki sa bahay. Delikado daw kasi lalo na at wala pang masyadong nakatira. Mabibilang mo sa daliri mo kung ilan palang ang nakatira. Wala pa kaming kapit bahay. Dalawang kanto pa ang pagitan bago dumating ang isang bahay. Medyo bukana lang naman kami kaya malapit parin kami sa mga guards. Kaso ayaw pumayag ni kuya na kami lang ni cess dito. Pareho daw kaming babae, paano daw kung may mangloob sa amin, wala daw kaming laban.
Kaya ayon. Lagi namin syang kasama. Ang laki na ng pinag bago ni kuya simula nung malaman nya na buntis ako. Ang sabi rin nya nag paalam naman daw sya kala mama nahihiwalay na sya. At pumayag na rin naman daw sila. Alam rin nila itong bahay natinitirhan namin magkakapatid. Dahil isang beses nakita ko sila sa di kalayuan nung papasok ako sa work. Paalis na rin sila nung nakita ko sila. Kaya di na ako nakita. Alam kong chinechek nila kami kung ok ba kami dito.
Sa totoo lang, ayos naman kami dito, three weeks na rin kami dito. Walang problema. Ayos ang samahan naming magkakapatid. At sobrang saya ko na don. At nagulat na lang ako ng ipatong ni cess ang malamig na juice sa hita ko.
"Ano ka ba naman ate, kanina ko pa inaabot sayotong juice mo. Ngalay na ngalay na ako, pero tulala ka lang dyan." Saas ni Cess.
"Sorry naman." Sagot ko.
"Ano ba kasing iniisip mo ate? Pinag isipan mo na ba ung sinabi ni kuya? Pupunta ka na ba sa renewal ng vows nila mama next week na yon?" Cess asked.
"Oo nga, napag isipan mo na ba yun?" Biglang tanong na kakapasok lang ng bahay na si kuya. May dala itong pizza. "Pero bago mo sagutin yan, kumain muna tayo. Binilhan ko kayo ng pizza." Nakangiting saad ni Kuya Prince.
Nilagay ni kuya ang box ng pizza sa center table dito sa living room.
"Kuya, ibang beses ko na sinabi sa inyo diba? Hindi ako pupunta. Kung gusto nyong pumunta punta kayo. Pero hindi ako. Hindi ko pa kaya. Sana maintindihan nyo. Dadating din ung time na yon. Yung kaya ko na silang harapin, kaya ko na silang kausapin, at higit sa lahat. Yung kaya ko na silang patawarin. Hindi ganon kadali pero sinusubukan ko. Time will come. Wag nyo akong madaliin." I said.
"Pero Qwyn, tuwing dumadalaw ako kala mama. Ikaw ang laging bukang bibig nila. Sabik na sabik na silang makita ka. Magiging masaya lang daw sila kung makikita ka nila don. Alam mo namang simulat sapul, ikaw ang paborito nila. Sabi nga sa isang verse sa bible, The pain that you've been feeling, can't compare to the joy that's coming." Seryosong saad ni kuya.
"Wow, kuya, kelan ka pa natutong magbasa ng bible?" Nakangiting tanong ni Cess.
"Baliw! Nagbabasa naman talaga ako. Sagot ni Kuya. "Simula ng makulong ako. Natuto akong magbasa ng bible. Wala naman kasing masama kung sususbukan. Try mo kayang subukan Qwyn."
BINABASA MO ANG
I'm her Playmate on Bed. (on going)
RomanceIniwan. Nagmahal. Nagpakatanga. Iyan na yata ang mai-dedescribe ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag gamitin ng isang lalaki para lang pagselosin at makuhang muli ang minamahal na babae.