IHPOB 4 : He's back.

4.9K 121 8
                                    

Chapter 4.

Qwyn's POV

So far, okay naman ang naging trabaho ko sa Cafe. Isang buwan at kalahati na rin ako dito. Isa't kalahating buwan na rin akong wala balita sa Kuya kong gago. Hindi ko alam kung nakalabas na ba sya sa prisinto. At si Liam, isa't kalahating buwan na rin kaming hinid nagkikita at tuwing tumatawag sya. Pinagpapatayan ko lang sya ng phone. Kahit mga text nya ay di sinasagot. Galit na galit na sya akin, dahil hindi daw ako nagpapakita sa kanya. Ang malala pang sinabi nya, wala daw syang sex life. Well, wala akong paki alam. Bahala sya sa buhay nya.


Pag rest day ko naman ay dinadalaw ko ang bunsong kapatid kong si Cess. May pera naman akong iniwan kay Tyang nung naospital si Cess. Awa naman ng Diyos, pagnagsisikip ang dibdib ni Cess ay naaagapan na. Pag napunta naman ako doon ay nagbibigay ako ng pakonti konti kay Tyang at kay Cess.

Twice a week naman kung magpunta si Cha sa apartment ko. At eto nga, kakagising ko lang. Nandito ako sa Condo ni Faye. Sinundo nya kasi ako kagabi. Birthday pala ng gaga, di man lang sinabi sa akin. May paparty pala kagabi. Halos lahat ay lasing. Ako lang yata ang hindi uminom.

Tumayo na ako sa kama. Tumingin ako sa tabi ko at tulog na tulog pa rin si Faye. Naglakad ako palabas ng kwarto nya at madaming kalat ang sumalubong sa akin. Kung saan saan makikita mga basura at pinagkainan. Kaya inimis ko ang lahat ng makita kong kalat.

Pagdating ko sa kitchen, naamoy ko yung natirang pagkain kagabi. Hindi ko alam kung bakit pero napatakbo agad ako sa lababo. I vomit, pero mapait na laway lang naman ang lumabas sa bibig ko.  Anong amoy yon? Ang sakit sa ilong at sa sikmura. Parang bumabaliktad ang sikmura ako.

"Kala ko kami lang ang lasing. Nauna ka pang sumuka sa akin." Faye said. "Uminom ka rin pala, hindi ko na alam. Lasing na siguro ako non."

"Hindi. Hindi ako lasing. Ewan ko. Naamoy ko ung natirang pagkain. Bumaliktad ang sikmura ko. Ang sakit sa ilong." Saad ko. Matapos kong magmumog.

"Huh? Lasing ka nga yata!" Faye said. "Wala naman akong naamoy na masangsang. Saka pizza at buffalo wings lang naman ang natira sa pagkain kagabi. Ang bango pa nga ng buffalo wings." She said.

"Ewan ko. Hindi gusto ng ilong ko yung naamoy ko. Gusto mo ba ng kape? Igagawa kita." Tanong ko na lang kay Faye.

"Hindi na. Ililigo ko lang to, sasabay ka ba sa akin papunta sa cafe?"

"Hindi na. Tatapusin ko lang tong mga kalat tas uuwi na rin ako. Maya pa naman eleven am ang pasok ko." Sagot ko.

"Closing ka nga pala. Sayang! May part two pa naman sana mamaya dito. Dont worry dyan sa mga kalat. Tatawag na lang ako ng taga linis."

"Part two? Gaga ka talaga! Di pa nga nawawala yang hang over mo, may part two pa." Saad ko.

"Keribels ko yan! Ako pa ba? Don't worry about me! Sige na, maligo lang. Hatid na lang kita sa apartment mo. Intayin mo ako." Saad ni Faye.

Sa maikling pahanon na kasama ko si Faye.  Maraming nagbago sa akin dahil sa kanya. Katulad sa pananamit ko. Bawal daw ako magsuot ng ganito, ng ganyan. Kasi muka daw akong tibo.

Nakakaloka nga yan si Faye, simula ng magtrabaho ako sa kanya. Parang kapatid na daw ang turing nya sa akin. Dahil solong anak kaya ayun. Gusto nya lahat ng meron sya, meron ako. At yung mga damit ko, tinapon nya lahat nung unang punta nya sa apartment ko. Pang lalaki daw kasi. At walang dating. Pinag shopping nya ako at sobrang nahiya ako sa kanya non.

Habang tumatagal nagugustuhan ko na rin suotin ang mga damit na binili nya. Syempre, wala naman akong choice eh. Tinapon nya ang mga lumang damit ko eh. Pero sobrang bait nya sa akin.

I'm her Playmate on Bed. (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon