Chapter 7.
Liam's POV
Nagpahatid ako sa driver ni Dad sa Mall. Dahil nasa carwash pa ang kotse ko. Pag baba ko sa entrance. Nakita ko si Toni. May iba na naman syang kasamang lalake. Sobrang saya nya sa lalaking kasama nya ngayon. Hindi ko sya nakitang tumawa ng ganyan nung kami pa.
Pasimple ko syang sinundan. Tiningnan ko lang kung saan sila pupunta. Pero hindi yun ang pinunta ko dito sa mall. I just want to eat. Yun lang.
Simula ng iwan ako ni Qwyn. Parang nawala lahat ng pagmamahal ko kay Toni. Hindi ko alam kung bakit hinahanap hanap ko palagi si Qwyn. Umiinit yung ulo ko noon kapag tatawag ako sa kanya tas hindi nya sinasagot kahit text ko hindi nya sinasagot.
Pero isipin ko lang yung mga masayang araw na magkasama kami. Na mimiss ko sya bigla. Matagal ko rin naman syang nakasama. A year and i don't know how many months.
I'm not sure, pero siguro minahal ko rin sya. Indenial lang siguro ako na si Toni yung mahal ko. Pero nung umalis si Qwyn, sya yung palaging hinahanap ko. Naiisip ko.
Nakita ko sila Toni na nagpasok sa Department Store kaya hindi na ako sumunod. Nagpunta na lang ako sa isang restaurant at kumain.
Lagi akong stress eating dahil kay Qwyn. Ilang beses akong bumalik sa bar, pero wala na sya don. Tinanong ko yung mga ka work nya don kung saan sya nakatira. Pero iisa ang sagot nila. NPA. No Permanent Adress.
Malapit na akong matapos kumain ng mapatingin ako dun sa kabilang sulok. Sa wakas nakita ko rin sya. Si Qwyn. May kasama syang isang lalake at isang babae.
Agad akong lumapit.
"Qwyyyn." Tawag ko sa kanya. Di pa sila nakaka upo kaya, hinawakan ko sya sa balikat nya para iharap sya sa akin. At hindi ako nagkamali. Sya nga. Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya nayakap ko sya ng mahigpit at hinalikan ko sya sa lips nya. Mukang nagulat naman sya.
"Qwyn, pwede ba tayong magusap?" I asked.
"No. Umalis ka na Liam." Sagot nya. Hindi ako aalis gusto ko syang makausap.
"Please Qwyn." Maka awa ko sa kanya.
"No."
"Excuse me. Ayaw makipag usap sayo ng kapatid ko. Pwede umalis ka na." Saad nung lalaking kasama ni Qwyn.
Pero hindi ko sya pinansin. Kay Qwyn lang ako tumitingin.
"Please Qwyn, saglit lang to." Paki usap ko ulit.
At humarap si Qwyn sa lalaking kasama nya. "Sige na. Kuya mag order ka na. Kakausapin ko lang to. Babalik din ako dito sa table natin." Qwyn said at tumango naman agad ang Kuya nya. Dahil makulit ako pumayag syang makipag usap.
Hinawakan ko sya sa likod nya para alalayan sya para papunta dun sa table ko. Naupo sya sa harap ko.
"Anong kailangan mo sa akin?" She asked.
"Kailangan kita." Kalma kong sabi sa kanya.
"Kailangan mo ko?" She asked. "Para saan? Para na naman ba kay Toni?" She asked again. "Liam, sawang sawa na akong ginagamit ako. Kung ayaw nya sayo wag mong ipilit ung sarili mo. Hindi ka ba napapagod na mahalin sya kahit na may mahal na syang iba? Ano ka tanga? Ikaw na pinakamayaman, nag aaksaya ka lang ng oras at panahon para sa babaeng hindi ka naman pinahahalagahan? Ginagawa mong katawa tawa yung sarili mo kakasunod sa kanya. Para kang asong habol ng habol sa kanya. Kesa pagtuunan mo sya ng panahon, bakit hindi mo na ituon ang sarili mo sa kompanya nyo. Mag focus ka sa trabaho mo. Ipakita mo sa kanya, na kung kaya ni Toni na maging masaya. Kaya mo rin maging masaya sa piling ng iba." Derederetcho nyang sabi.
BINABASA MO ANG
I'm her Playmate on Bed. (on going)
RomansIniwan. Nagmahal. Nagpakatanga. Iyan na yata ang mai-dedescribe ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag gamitin ng isang lalaki para lang pagselosin at makuhang muli ang minamahal na babae.