IHPOB 3 : Nice to see you again.

5.5K 116 2
                                    

Chapter 3.

Qwyn's POV

Kakagising ko lang. Sa sobrang pagod ko mabilis akong nakatulog pagkatapos kong ayusin lahat ng gamit ko. Hindi pa ako naglulunch. Pasado ala una pala.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Cha calling...

Ano kayang nakain ng babaitang ito at naisip nitong magparamdam sa akin. Agad ko naman sinagot.

"Gaga. Asan ka?" Bungad nito sa akin.

"Leche ka, matapos mo akong iwan tas ngayon magtatanong ka kung asan ako. Isang buwan ka kaya wala man lang paramdam sa akin." Sagot ko.

"Qwyn, sorry na. Kung hindi ako nakapagpaalam sayo. Saka na natin pagusapan yon. Nasaan ka ba? Pinuntahan kita sa bar kagabi. Sabi ni Mudra nag resign ka na nga daw 2 days ago. Pinuntahan kita sa apartment mo kaninang umaga. Pero wala ka na daw doon." Saad ni Charmaine. Cha for short. Kasama ko sa bar, sya lang ang naging ka-close ko doon.

"Pinalayas na ako eh. Okay na rin yun." Sagot ko

"Nasaan ka nga Qwyn? Kanina pa ako tanong ng tanong eh. Ganito na lang. Magkita tayo, itetext ko sayo kung saan tayo magkita." Saad ni Cha.

"Sige, itext mo sa akin. Maliligo lang ako, Cha. Bye." Saad.

Pinatay ko na ang tawag at naligo na ako. Binasa ko naman agad ang text ni Cha kung saan kami magkikita after kong maligo.

Buti na lang at malapit lang dito yung restaurant na itinext ni Cha. Dose pesos lang ang nabawas sa pera ko. Kailangan ko kasing tipidin ang pera ko. Pitong daan na lang kasi ang pera ko. Kailangan ko maghanap ng trabaho. Para mabuhay ako. Ayokong galawin ang ipon ko sa banko. Para yun sa future kung sakaling magka-anak ako. Mabuti na yung may nakalaan na agad para doon. Dahil hindi ko alam kung may makukuha pa ba akong matinong trabaho sa panahong iyon. Baka wala. Dahil hindi naman ako nakatapos ng pag-aaral.

Wala na ako sa bar, kailangan ko na rin nawala sa buhay ni Liam. Last na yong may nagyari sa amin. Kailangan kong matutong kumilos ng hindi umaasa sa pera nya. Ayoko ng maging parausan nya. Pagod na ako. Pagod na din akong umasa.

Nakita ko kaagad si Cha ng makarating ako sa restuarant na sinasabi nya.

"Cha!" Tawag ko. Agad naman itong lumingon at tumayo. Sinalubong ako nito ng beso at yakap.

"Qwyn!" Bati rin nito. "Namiss kitang gaga ka!"

"Namiss din kitang Pukres ka!" Sagot ko. "Leche ka, san kaba nagpupupunta?"

"Ang tabil parin ng tabas ng dila mo, Qwyn! Ang ganda ganda ng pangalan mo, tas kung maka mura ka, WAGAS!" Natatawang sagot ni Cha. "Maupo ka! Kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Ililibre mo naman ako diba? Kaya mo ako pinapunta dito." Sagot ko.

"Kapal ng apog nito!" Sagot ni Cha. "Pero sige na nga. Nakakaawa ka na, para ngang di ka na kumakain sa itsura mong yan. Muka ka ng Zombie."

"Hindi pa ako nakakabawi sa ilang araw na walang tulog na maayos eh." Sagot ko.

"Bakit ka ba nagresign sa bar?" Tanong ni Cha.

"Ayoko ko na eh. Sawa na akong maging taga aliw. Gusto ko naman bigyan ng pagkakataon ang sarili ko na marespeto man lang kahit kakarampot." Sagot ko.

I'm her Playmate on Bed. (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon