IHPOB 5 : Blessing

4.6K 111 23
                                    

Chapter 5.



Kinaumagahan. Pagkagising ko ay naghilamos muna ako at nagtoothbrush. Saka lumabas ng bahay para bumili ng kape at pandesal.

Pagbalik ko, nakita ko sa harap ng apartment ko ang isang lalaking nakatalikod at katok ng katok. Agad akong lumapit.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

"Qwyn." Saad nito ng makaharap.

"Kuya, anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang bahay ko?"

"Tinanong ko kay Cess. Oo nga pala. Para sayo. Pinabibigay ni Mama at ni Papa." Saad ni Kuya at inabot nito sa akin ang isang sobreng puti. "Invitation para sa renewal of vows nila. Sa isang buwan na yan. Anniversary din nila yan. Sana ay makapunta ka ng maging masaya naman si Mama. Magiging masaya lang daw sya kung makikita ka ulit nya."

"Ayoko! Wala akong paki alam sa renewal ng vows nila. Hindi ako pupunta, paki sabi na lang sa kanila." Galit na saad ko. "Kung gusto nyo nila Mama na makasama ang lalaking yon, kayo na lang. Wag ako! Mamumuhay ako ng hindi sya kasama."

Hinaklit ni kuya ang braso ko, papasok sa apartment ko at matalim ako nitong tinitigan. Lumaban din ako sa pagtitigan sa kanya.


"Bakit ka ganyan? Nagrereach out na nga sayo yung tao eh. Gusto ka nilang makita para makahingi ng tawad sayo." Inis na sabi sa akin ni Kuya. "Kung ipagpapatuloy mo ang pagpapagana sa makitid mong utak, walang mangyayari sayo! Ang problema kasi sayo, wala kamg gustong pakinggan. Pinapairal mo yang galit mo." Sigaw ni Kuya sa akin.

"Wala lang paki alam kuya. Umalis ka na lang pwede ba. Gusto nyo syang makasama, edi go! Pinakitaan lang kayo ng magagandang bagay eh bumigay kayo agad. Sabi mo galit ka sakanya. Nabilhan ka lang kotse at magagarang gamit. Bumigay ka na. Hinding hindi ako tutulad sayo. Kaya ko rin magkaroon ng katulad ng sayo ng hindi humihingi sa magaling mong ama."

"Qwyn, sumosobra ka na. Oo, wala akong magandang ginagawang matino para sa pamilyang ito pero higit pa ang isinkripisyo ko para sa inyo. Kaya kahit naiirita na ako sa ugali mo., iniintindi p din kita dahil kapatid kita. Kaya sana bago ka magpuputak dyan, magisip ka naman muna."

Pabalya ako nitong binitawan kaya naman tumama ang likod ko sa pader ng apartment na tinutuluyan ko. At tumalikod na ito. Napaluha ako ng may maramdaman akong masakit sa may tiyan ko.

"Araay!" Sigaw ko ng mapahawak ako sa tiyan ko. Agad naman napabalik si Kuya.

"Qwyn!" Tarantang saad nito at agad nanakbo palapit sa akin. "May dugo ka!" Turo nya sa binti ko. Agad kong tiningnan ito.

"Qwyn, anong nangyari?"

Yun ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.


Kakagising ko lang. Nagising ako sa isang magandang kwarto ng ospital. Ng bigla naman pumasok si Mommy Marta.

"Jusko, mabuti naman at nagising ka na. Nag-alala kami sayong bata ka!" Saad ni Mommy Marta na may ari ng apartment na tinutuluyan ko.

"Ano pong nangyari?" Tanong ko.

"Ang kuya mo ang kausap ng doctor kanina. Nagbabayad lang ng bill ang kuya mo. Intay intayin mo na pabalik na rin iyon." Saad ni Mommy Marta.

I'm her Playmate on Bed. (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon