October 25, 2013
Ang dami kong nalaman ngayon. Ang daming mga bagong bagay na nangyari pala sa kanya noon pero hindi nya nagawang banggitin sa’kin. Nagkakwentuhan kasi sila ni Maria kanina. ‘yung bestfriend kong yun, sira ulo talaga. Ano na naman kayang kagaguhan pumasok sa isip nun at mukhang balak pang pagtripan sya.
At dahil kilala s’ya ng karamihan, bigyan natin s’ya ng code name, ahm... *5 seconds* okay... ahm... *15 seconds* oh sige wag na lang. Bahala siya. Hahaha. Hindi naman n’ya mababasa ‘to at papakatago-tago ko talaga ‘tong file na ‘to para walang makabasang gunggong. xD
Owrayt. Umpisahan natin ang kwento sa kung paano nag-umpisa ang araw na ‘to...
Nag-gm ako sa mga kaklase ko na 8am pupunta ng school para makuha namin ‘yung mga class cards ng sabay-sabay. Kaya naman 9:30am ako nakarating sa school. Maka-Pilipino kasi ako kaya lagi kong pinapairal ang Filipino Time. As usual, LAHAT kami pare-parehong LATE. May iilan nga lamang na nakapunta sa school ayon sa itinakda kong oras. Pero iilan lang sila. Tatlo lang siguro.
After 10 minutes siguro na nakatunganga lang ako sa tapat ng school kasama yung 2A at tatlong butihin kong classmate, nagpasya na akong pumasok sa loob para imeet naman ‘yung nanay ng isa sa mga classmates ko.
Yung classmate kong bugnutin at may sariling mundo, ay anak pala ng isang palangiti at masayahing nanay. Galing.
Ayos, may apat na permits na akong hawak. Less than 30 kami sa klase. Ilan pa kaya mga paimportanteng hahabol? Umpisa na ng ADVENTURE, Rosa!
Lakad mula finance’s office papuntang Hallway.
Lakad mula hallway papuntang faculty.
Kakatok.
Bating pambungad *Good Morning po!*
Magtatanong.
Yuyuko.
Tatango.
Magpapasalamat habang pinapalayas.
Maglalakad mula faculty papuntang hallway.
Maglalakad mula hallway papuntang library sa kabilang building.
Kakatok.
Bating pambungad *Good Morning po!*
Magtatanong.
Tatango.
Magpapasalamat habang pinapalayas.
Maglalakad papuntang hallway.
Owrayt, may natatanaw na akong limang bagong dating. Kasama siya. Siyam na permits na hawak ko. Ayos na kaya ‘to? Gora na. Alas-dyes na wala pang nangyayari sa buhay ko. Nakibalita muna ako sa 2A, baka sakaling may natanawan silang professor namin. Ayos, meron nga.
Kailangan na naming humarap sa katotohanan.
Filipino 103, mauna ka na.
Okey, 1.50. Not bad. Badtrip lang ‘yung tagal ng paghihintay ko para sa kaunting pansin na hinihingi ko para lang makuha ang target ko sa kanya.
Ayos na. Ipamahagi ang mabuting balita ng grades. Hanap ulit ng professor.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
*Repeat 19876x until fade*
Wala eh. Wala talaga. Nakailang balik na ba ko? Balik faculty na nga lang ulit. Isang makapangyarihang baka sakali na naman.
BINABASA MO ANG
Kwento sa likod ng pimples ni Rosa XD
HumorEwan ko kung paano ‘ko uumpisahan ang paggawa ng kalokohang diary na to. Hindi ko rin naman kasi malaman kung bakit ko naisipang gawin at isakatuparan ‘to. I’ll bet, hanggang umpisa lang ‘to. Haha. Eh sa nagtrip lang ako; nagtrip ng bagay na alam ko...