October 26, 2013
Ang ganda ng gising ko ngayon. Hinagilap ko ang bago kong phone. Naninibago pa rin ako pero keri lang.
Ang pakikipagrelasyon talaga parang paggamit ng phone. Kapag nawala na ‘yung dati, kailangan mo nang palitan. Pero kailangan mo munang mag-adjust at kung ano-anong paninibago pa ang mararamdaman mo kasi lagi kang magkakaroon ng comparison.
10 unread messages. Pwera pa ‘yung mga nabuksan ko kagabi habang nag-aagaw tulog ako. xD
Nabasa ko ‘yung GM ng classmate ko. Marami daw di makakapag-aral next sem. Ayokong maniwala kaya nag-GM na din ako.
Bakit mo iiyakan ‘yung bagay na ‘di mo makuha? Kung lagi ka na lang mawawalan ng pag-asa, ano pang dahilan at nakilala mo si God? Smile ka lang tapos kumilos ka para may mangyaring kakaiba.
Gusto ko lang palakasin loob ng lahat. Na sa kabila ng bagsak at pasang awang grades, mga nahihirapan humanap ng pang-tuition next month, at mga takot sa sermon ng magulang, WALA PA RIN SILANG KARAPATAN MAGREKLAMO. Ang dapat nilang gawin, kumilos.
Lakas ng loob ko magsalita. Wala kasi akong alalahanin ngayon. Wala pa.
Pahinga ng utak at katawan ko. Next week siguradong ADVENTURE na naman sa paghahanap ng professor ang mararanasan ko eh.
Eleksyon na naman pala. Uso na naman ang pinakamabentang business. Vote buying.
May parada ng mga pulitiko kanina, inaabangan ng lahat akala mo naman may artistang darating. Mabuti pa doon sa barangay ng eskwelahan namin, madalas ang parada ng mga artista kasi artista ‘yung tumatakbong kapitan dun. Eh dito? Ambot.
Mag-aalas dose na ng hating gabi. Naadik ako sa text twist, di ko matigilan. Nagpatugtog muna ako para di ako matakot sa tahimik na paligid. For some reasons, biglang bumigat nararamdaman ko. Kanina naalala ko si ASH kaya sumama na naman loob ko. Pero kanina pa ‘yun. Ngayon ang kantang tumutugtog HAVEN’T STOP LOVING YOU.
Naalala ko S’YA bigla. Parang bigla akong natakot.
Kanina pa ako nagugulumihanan eh. Parang bigla akong nagka-idea.
Bakit nagiging obvious s’ya masyado? Bakit parang may iba na sa mga galaw at kilos n’ya. Pinaringgan n’ya pa ‘ko minsan sa Facebook.
*You make me a happy man even though I’m alone*
Medyo general pero nasapul ako dyan eh kasi kakatapos lang namin mag-chat at kakasasabi lang din niya ng WALA ‘YUN, BASTA IKAW tsaka ANG KULIT KULIT KULIT MO TALAGA. Kaya feeling ko para sa’kin talaga ‘yun. PotASSIUM.
Hindi n’ya rin ako magawang hindian. Anong meron? Bakit biglang nagbago? Okay naman sana pero bakit parang kinakabahan ako? Bakit parang feeling ko may plano s’ya?
Mag-imagine tayo...
*Ginagawa n’ya ang lahat para makuha ulit loob ko. At kapag hulog na hulog na ako sa kanya, mang-iiwan s’ya bigla.*
Jeez. Ba’t ganun? Bakit ganun ‘yung idea na pumapasok sa isip ko?
Nakakapagtaka kasi eh. Hindi s’ya ‘yung tipong naglalabas ng kahinaan sa ibang tao. At lalong ayaw n’yang nalalaman ko kahinaan n’ya. Pero sa lahat naman ng tao, bakit sa BEST FRIEND ko pa s’ya nagsabi? Eh 100% naman ang assurance na makakarating sa’kin ‘yun.
Can you get it? Parang may plano talaga s’ya or something na hindi ako matutuwa. Oh well, bahala s’ya. Basta ‘di s’ya magtatagumpay. Sigurado ‘yun.
BINABASA MO ANG
Kwento sa likod ng pimples ni Rosa XD
HumorEwan ko kung paano ‘ko uumpisahan ang paggawa ng kalokohang diary na to. Hindi ko rin naman kasi malaman kung bakit ko naisipang gawin at isakatuparan ‘to. I’ll bet, hanggang umpisa lang ‘to. Haha. Eh sa nagtrip lang ako; nagtrip ng bagay na alam ko...