Suffrage... Suffering because of suffrage.

17 0 0
                                    

October 28, 2013

Eleksyon na. Baranggay election nga lang.

Mamulitiko kaya ako?

“Mag-aasawa ako ng pulitiko?” Hahaha. Waley na naman.

Pero minsan talaga naiisipan kong kumandidato. Tutal enjoy naman ako sa pagiging presidente ng klase namin, ako nasusunod eh. Tsaka kung mangungurakot man ako, hindi masyado. I’ll make sure na maayos muna ‘yung nasasakupan ko bago ako mangungurakot para oks ang lahat. Haha xD

Qualified Voter na rin ako. Pero hindi pa ako pwedeng bumoto kasi di pa naman ako registered voter. Next year na lang siguro.

Sabi nga ni mama, wala pa raw akong kwentang mamamayan.

Sino nga ba ang may kwenta? Eh feeling ko 65% ng mga voter binebenta lang ang boto nila. Kahit naman siguro ako. Syempre ‘di na ‘ko papakaipokrita, pera rin ‘yun kapatid.

Exercise of suffrage. Election. Voting.

Alam ko ‘yang mga ‘yan. Napag-aralan ko ‘yan sa Political Science 101.

Pero ‘di ko pa naa-apply.

Kung hindi ko ibebenta ang boto ko, may maitutulong ba sa’kin ‘yun? Wala naman eh. Karamihan naman sa mga Pilipino, pinagkakakitaan na lang ang karapatan nila. Bakit ‘di pa ‘ko makisali, ‘di ba? Besides, hindi rin naman mababantayan ng mga pulitikong ‘yan kung sino talaga ang iboboto ko kaya pwedeng kunin ko ‘yung pera, pero dun pa rin ako sa alam kong karapat-dapat.

Vote wisely, ‘ika nga.

Dito sa baranggay namin, hindi ko alam kung may karapat-dapat nga ba. ‘Yung kasalukuyang kapitan ng baranggay, kung wala sa Hong Kong, nasa Boracay. Hindi ‘yun chismis. Noong High School ako, makailang beses akong nagpupunta sa opisina n’ya upang mainterview s’ya. Iba’t-ibang araw, iba’t-ibang oras, pero kahit minsan hindi ko pa s’ya nakaharap. Kahit isang beses lang.

Nakapost pa sa Facebook Account n’ya lahat ng activities niya, karamihan puro pagliliwaliw lang. May bali-balita pang nakabili daw s’ya ng bahay at lupa sa ibang lugar. ‘Yung kapatid n’yang college student din tulad ko, sa napakamahal na paaralan nag-aaral.

‘Yung kalaban n’ya sa posisyon ngayong eleksyon, dating Vice Mayor. Natalo sa nakaraang eleksyon kaya bumaba sa pagiging kapitan. Isang kanto lang ang layo ng bahay namin sa mansion n’ya. Oo, mansion. Naipatayo n’ya ‘yan nung mga panahong pulitiko na s’ya. Sagana rin naman s’ya sa mga business na Plastikan at Tubigan kaya hindi s’ya maaaring hanapan ng butas.

Madalas s’yang nagpapaputok ng baril sa may terrace ng mansion n’ya. May napabalita pang mamamatay tao daw s’ya. Ewan kung totoo o gawa-gawa lamang ng mga kalaban n’ya sa pulitika.

Delikado ang buhay ng mga pulitiko. Marami silang nag-aagawan sa posisyon. Maraming gustong pumatay sa’yo. Sisirain ka hanggang sa abot ng makakaya nila. Nakakatouch ‘di ba? Nag-effort sila para lang mas madurog nila ang pagkatao mo.

*Wait lang. May lakad pa pala ako ^Pampanga^*

Buhay probinsya.

Nakakaantok dito. Wala akong magawa. Hindi naman ako mahilig manuod ng tv.

Well, kahit naman nung mga panahong nasa Maynila ako, wala rin naman akong ibang ginawa kundi matulog. Kaya nga hindi talaga ako pwedeng maiwanan sa bahay. Wala kasing mangyayari sa buhay ko.

Ngayon? Andito ako sa mansion ng lolo ko. Mansion tawag ko dito kasi masyadong maganda ‘yung bahay na ‘to kumpara sa’min. Although hindi pa ‘to tapos gawin. Ang alam ko, milyon na ang inabot sa pagpapagawa ng bahay na ‘to. Sa’n galing ‘yung pera? Sa tita ko daw na nagtatrabaho sa Saudi. Katas ng Saudi pala ‘to xD

Kwento sa likod ng pimples ni Rosa XDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon