Banal-banalan, langit-langitan...

64 0 0
                                    

October 27, 2013

Lalala. Linggo ngayon. Araw ng pagpapakabanal, sabi nga nila. Alas otso na ng umaga ako bumangon. Napapamahal na talaga ako sa pagtulog. Pahinga ko ‘to kaya dapat ko lang sulitin.

Hindi na kami nakapagsimba nang umaga kaya 2nd mass na lang ng gabi kami magsisimba para sakto sa pagkanta ng mga utol ko.

Pumatay lang ako ng oras maghapon. Wala akong magawa. Wala ako sa mood magbasa; kumain pwede pa.

Alas singko na. Mag-ayos na daw kami ng sarili para sa misa. Wala akong gana. Isang taon na ata akong ganito. Dati malaman ko lang na magsisimba kami, ang saya-saya ko na. Pero ngayon? Mas gusto kong matulog na lang.

Pero wala naman akong magagawa kaya gora na lang.

Sakay sa sasakyan. ^Feeling mayaman^

Diretso sa simbahan.

Pasok sa may gitnang pinto.

Nagsawsaw ng daliri sa holy water na nakalagay sa estatwa ng anghel.

Nag-sign of the cross. (Matagal na panahon na rin simula nung huli kong pagsasign of the cross)

May kalbong pari na nagmimisa sa harap. Late na ata kami. Madami nang tao sa loob. May iilan na nakatitig sa’min. ‘Yung tingin na parang nang-aasar kasi naumpisahan nila ang misa samantalang kakarating lang namin.

Iniikot ko na ang mata ko para makahanap ng bakanteng upuan.

*Humayo kayo at ipakalat ang biyaya ng Panginoon.*

Nagpalakpakan na ang mga tao.

Hala? May ‘Humayo’ na. Patapos na ‘yung misa?

Nilingon ko si Papa. Nakangiti s’ya. Natatawa.

Tapos na pala ‘yung 1st mass. Kakatapos lang. Whew! Medyo napahiya ako.

Lumabas muna ako at hinayaan ang mga taong makalabas. Saka kami pumwesto sa may bandang harap. Malapit sa upuan ng mga piling ‘ministro’ ba tawag sa kanila? Basta ‘yung parang assistant ng pari kapag nagpapakain ng ostya.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng simbahan. Ngayon, mas malapit ako sa altar. Sa altar ng Panginoon na nakapako sa krus.

Noong minsang nagsimba ako, hindi ko naisuot ang salamin ko kaya malabo ang mundong ginagalawan ko. Nasa may bandang likuran ako nun pero natatanaw ko pa rin ang altar. Pagkatingin ko sa imahe ng Panginoong nakapako sa krus, ibang imahe ang nakita ng mga mata ko. Mahirap ipaliwanag pero susubukan ko...

Pamilyar ka ba dun sa kambing na may sungay? ‘Yung karaniwang simbolo ng mga gawaing pangkulto o kung anomang kaweirduhan na pumapatungkol sa dyablo. ‘Yun, ‘yun ang imaheng nakita ko. Ang mga kamay ni Hesus na nakapako ang nagsilbing sungay at ang katawan niya ang mukha ng kambing. Iyan ang naging interpretasyon ng paningin ko.

Sinubukan kong titigan, matagal bago ko napagtantong mali ang nakikita ko.

Napailing ako. Saka ko naaalala ang mga nalaman at patuloy kong nalalaman tungkol sa kasiraan at maling paraan ng pananampalataya ng mga Romano Katoliko.

(Pasintabi na po muna sa inyo. Ito po ay paniniwala ko lamang, bagamat iginagalang ko pa rin ang paniniwala ninyo.)

Mula sa pagsamba nila (namin) sa mga rebultong gawa ng kamay ng tao, hanggang sa mga itinagong bahagi ng bibliya upang maiba lamang ang maging kahulugan nito at marami pang iba.

Noon, sinabi ko sa sarili ko na aawit lamang ako kung ang aawitin ko ay mga kantang pumapatungkol sa papuri sa Panginoon. Hindi ko natupad iyon. Hindi rin naman kasi ako nangahas na makasali sa choir ng simbahan. Ayoko. Natatakot ako.

Noon, lagi akong may dalang panyo sa tuwing papasok ako ng simbahan. Nagbabakasakali kasi akong makalapit sa mga banal na rebultong naroon. Magmula sa Poong Nazareno hanggang sa lahat ng rebultong nasa loob ng simbahan. Pero noon ‘yun. Sa kung anong dahilan, nagbago ang paniniwala ko. Ayoko nang lumuluhod sa harap ng rebulto, ayoko nang tumatawag sa pangalan ng rebulto.

Kaya nawalan na ako ng ganang magsimba. Ayoko nang lokohin sarili ko. Ayoko magpakagago para lang ipakita sa iba na banal ako. Mas gusto kong kinakausap si Lord base sa kung paano ako kumportableng kausapin Siya---‘yung parang kaibigan lang.

Hindi dahil ‘di ako nagsisimba, ibig sabihin hindi na ako marunong magpasalamat at humingi ng tawad. I just have my own way of doing it.

Habang nagmimisa, blangko lang ang isip ko. Umiikot ang mata ko sa paligid. Pero alam ko kung tungkol saan ang banal na misa ngayong gabi. Sa pagpapakababa.

Pakiramdam ko nga pinitik na ako agad ni Lord dahil hindi ang mga sinasabi ng pari ang naiintindihan ko kundi ‘yung paraan ng pagdedeliver n’ya.

Binabasa n’ya LANG kasi ‘yung aral na gusto n’yang ipamahagi sa tao. Awtomatiko tuloy na umarko ang kilay ko. Parang nagbasa lang s’ya ng essay sa harapan namin. Disappointed tuloy ako. O sadyang di lang maiaalis sa dugo ko ang pagiging mayabang kaya ganun ang iniisip ko.

Pari: May isang pariseo na nananalangin sa Panginoon, “napakapalad ko po Panginoon dahil hindi ako katulad nila...”

Hikab.

Pari: Magsiupo na po ang lahat.

Hikab.

Pari: Naalala ko noong bata pa ako...

Hikab nang mas matagal at mas mahaba.

Pumipikit na ng kusa ang kaliwang mata ko.

Tumingin ako sa itaas. Sa may gitna, may maliit na rebulto ng kerubin akong nakita. Bakit kerubin ang nasa gitna? Supporting character lang ‘yun ah? Umikot na naman ang mata ko. May napansin akong rebulto ng tandang... sigurado si San Pedro ‘yung katabi n’ya.

Tumingin ulit ako sa taas. Sa may gitna, nakita ko na naman ang maliit na rebulto ng ke... nasaan ‘yung kerubin? Bakit si Hesus na may hawak na krus ang naroon? Jeez. Malikmata.

Hikab.

Sa loob ng humigit-kumulang isa’t kalahating oras na itatagal ko sa loob ng simbahan, aabot ata ng limampu ang paghihikab ko. Kung bakit nakakaantok sa loob ng simbahan kaysa sa loob ng eskwelahan, hindi ko po alam. Parehas lang naman walang ginagawa dun kundi maupo at makinig.

Hikab.

Ang tagal matapos ng misa. Ang dami ko nang nalingon. Nakabuo na ako ng lovestory sa utak ko, wala pa rin.

Imagination...

*May isang babae na nagsimba lang for fun. Ni hindi s’ya kumain ng ostya dahil hindi s’ya interesado. Nakaupo s’ya sa may harapan kaya nakikita n’ya lahat ng susubo ng ostya. May isang lalaking napasulyap at napatitig sandali sa kanya. Binalewala n’ya iyon. Maya-maya pa, napalingon s’ya sa kaliwang bahagi ng inuupuan n’ya at natagpuan n’ya sa likod n’ya ang lalaking nakatitigan n’ya kani-kanina lamang. Nakaluhod ito at wari’y nagdadasal. Higit limang minuto atang nakaluhod ito sa may likuran niya. Kung maririnig lamang n’ya ang ipinagdarasal ng lalaki... Panginoon, napakalapit ko na po sa kanya. Sa loob ng mahabang panahon na nagkasya na lamang akong nakakasulyap sa kanya, ngayo’y halos abot kamay ko na s’ya. Ilang gabi ko pong hinihiling sa inyo ang bagay na ito. Isang ngiti lamang n’ya, isang malaking karangalan na po. Kung maaari ko nga lamang pahintuin ang oras, makakakaya kong lumuhod dito habang buhay basta’t kasama s’ya... at kung talagang maririnig lamang n’ya, eto ang isasagot nya... aba naman, luluhod ka na lang dyan idadamay mo pa ko? Madami pa akong gagawin kaya wag mong hilingin na huminto ang oras! Lokong ‘to...* XD Medyo comedy, ano po? Hahahahahahaha.

Kailangan ko na kasi talagang libangin ang sarili ko, kundi siguradong bagsak ako dito.

Matutulog na ‘ko xD

Kwento sa likod ng pimples ni Rosa XDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon