Problems are meant to be broken.

15 0 0
                                    

October 30, 2013

Tatay: P^&%$^ I$% mo! Sinabi nang may kausap ako sigaw ka nang sigaw! (habang nakatutok pa rin ‘yung phone sa bibig at tainga n’ya sabay bato ng tsinelas sa mukha ng kapatid ko. Sapul.)

Masakit tignan. Lalo na kung kagigising ko lang.

Kaya hindi ako magtataka kung lumaki kaming nagsisigawan at nagsasakitan. Ganun kasi kami pinalaki. Sa ganung klase ng pagdidisiplina. Sa ganung klase ng usapan.

Hindi ko masisisi mga kapatid ko kung ganun magiging ugali nila.

Wala akong problema kung gusto kaming disiplinahin ng mga magulang namin. Wala rin naman akong sama ng loob sa kanila. Ang sa’kin lang, sana hindi sa ganoong paraan.

Someone: Hindi kailanman naging tamang pagdidisiplina ‘yung sasaktan mo ‘yung bata para sundin ka.

...

Nabasa ko GM ni Maria ngayon.

 “I just realized na kahit gaano kalakas humagalpak ng tawa sa school, di pa rin talaga ako sumasaya dun. Ang daming nakakaiyak na bagay sa paligid ko ngayon at ako ang pinakaapektado. Buti pa nung broken hearted ako, kaya kong ihandle. Mas kontrolado ko pa kahit papaano. L pero ang mas nakakaiyak yata sa lahat ngayon ay yung BINIGAY NA CD sa’ken ni Ate %$^&, PINAASA lang ako. Sabi n’ya NICHOLAS PARKS COLLECTION daw, pero nakakaiyak talaga dahil SHARON CUNETA pala T.T Paki ko naman kay Sharon -.-“ Hay buhay “

Akala ko naman kung gaano na kalaki problema n’ya yun lang pala. Sows.

...

Babalik na naman pala ako sa school mamaya.

2pm daw pupunta ng school prof namin. Ipupusta ko lahat ng pisong mayroon ako (dahil benteng buo pera ko), 5pm darating ‘yun.

Someone: A student who doesn’t respect his teacher learned nothing.

May natutunan din naman ako sa kanya. Magaling nga s’yang magturo eh. Bilib din ako sa mga pinapagawa n’ya sa’min.

‘Yung tipong may two days celebration ang department namin tas mag-aannounce s’ya ng project bago ang 1st day na kailangan makita n’ya sa 2nd day ng celebration na alam naman n’yang kinakailangan namin salihan karamihan sa mga contest dahil bilang na bilang lang kami sa department kaya dapat lahat kami gagalaw, tas isasabay n’ya ‘yun? Sacrifice. (Naintindihan mo ‘yung nais kong iparating? Ako, hindi eh)

Dumating pa sa punto na kahit tatlong subject ang exam namin sa iisang na araw, uunahin ko pa rin reviewhin subject n’ya. ‘Yung ibang subject, bahala na. Basta ‘yung kanya kailangan kong mapag-aralan kahit hindi ‘yun ang major ko.

Balita ko nga magiging prof ulit namin s’ya next sem. Sa constitution daw. Ayos lang. Buhay pa naman ako eh. Sa ngayon.

...

May dumalaw na kaklase dito sa bahay. Nakakahiya. No goli pa ‘ko. Nakasando’t shorts. Walang suklay. Lalaki pa naman ‘yung pumunta. Hoho.

Oks lang. Saglit lang naman s’ya. Nagpapasabay lang sa pagkuha ng class card sa PolSci. Hay nako. Lahat na lang kami namumroblema sa lintek na subject na ‘yan.

Manananghali na pala.

Hindi pa ako nag-aasikaso.

May unknown number na nagtext sa’kin.

Siya: Wit na gurl mejo mashugal gurl. Hmm. Witchicles na aketch sumama nxttimesung.

Ako: Ay ambot. Wo jiao xian me min zi?

Siya: Wit pa. Beks! Waii pa malafes. Tay tomi na aketch eh!.

Ako: Dui bu zi.

Siya: Wahaha natsu shibuli un mi ri kinayuga. Sara sara hae. Narumbawo. Inisa yoho kurino.

Ako: Sara sara prinsesa xD Sino ka ba?

Siya: Langgam langgam hindi ko alam.

Payn.

Lokong ‘to. Sino kaya ‘to? ‘Di bale, malalaman ko din kung sino ‘tong loko-loko na ‘to.

...

2pm na. Nasa bahay pa rin ako. Ayokong maghintay sa wala dun. Buti pa dito sa bahay, pagkain lang inaantay ko.

Mamaya may kainan pa akong pupuntahan. *Ngasab*

Napatingin ako sa salamin.

Suot ko pala ‘yung kwintas na inarbor ko sa KANYA.

Kung titignan ‘yung suot n’yang kwintas ngayon, iisipin na couple necklace suot namin kahit hindi naman talaga.

Sabi n’ya sa kaibigan ko, may sentimental value daw sa kanya ang kwintas na ‘to kaya ang tindi ng konsensya ko nung muntik ko nang mawala ‘yung pendant na gawa sa relo at hikaw.

Ewan ko ba dun. Basta hiningi ko, hindi n’ya talaga magagawang tumanggi.

Kumakalam na sikmura ko.

Baka hanggang dito sa bahay naghihintay pa rin ako sa wala. Aist.

Utol: Ang sarap talaga ng luto ko.

Ako: Huwag kang nagbubuhat ng sariling bangko.

Utol: Huh? (Binuhat n’ya ang bangkong inuupuan n’ya.)

Ako: Nakita mo na? Literal man o iba pang kahulugan,sa pagbubuhat mo ng sariling bangko, nagmumukha ka lang tanga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kwento sa likod ng pimples ni Rosa XDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon