Love your school, hate your teachers.

20 0 0
                                    

October 29, 2013

Badtrip. Badtrip talaga. Naasar ako. Gusto kong bumasag ng mukha ng professor.

Tuesday ngayon, tama? Anong sabi nila? Tuesday nila irerelease ‘yung class cards. Ayos lang. Madaling araw naman daw babyahe na kami pauwi kaya walang problema.

Eh nagkaaberya. Hindi daw kami maihahatid ni Papa nang maaga kasi may kailangan siyang asikasuhin sa trabaho n’ya. Emergency.

Payn. Pero teka? Ako nga pala may hawak ng permits ng mga kaklase ko. Pa’nu akong hindi uuwi agad? Paktay. ‘Yung Sociology 103 at Philosophy 101 oks lang na hindi ko makuha agad. Magkikita-kita naman kami sa enrollan. ‘Yung English 105, iniiwan lang naman sa library ‘yun. Anytime pwede kong kunin. Pero ‘yung Political Science (PolSci) 101... Hindi maaari! Hindi pwede! Baka lahat kami magpa-evaluate ‘pag nagkataon. Shet.

Pa’nu ako uuwi? Commute. Payn. Ako lang mag-isa? Ayus gyud. Natatakot ako. No way. Never.

Alas-nueve na. Nasa may San Fernando, Pampanga na ‘ko. Mag-isa. May katabi akong matanda kanina, bandang San Antonio ata bumaba na s’ya. Ngayon matandang lalaki ulit. No problemo amigo. Hindi ako masyadong natatakot.

Kinuha ko saglit ‘yung librong dala ko. Page 120 na ako. Binuklat sandali para mukhang matalino. Umandar na ulit ang bus. Nahihilo ako. Hindi na nga lang ako magpapanggap na matalino. Mahirap nang sumuka dito. Wala akong kasama. Byahilo pa naman ako.

Pikit.

Naririnig ko ang ingay ng paligid ko pero iba ‘yun sa nakikita ko.

Dilat.

Ang init ng sikat ng araw.

Pikit ulit.

Naririnig ko ang paligid ko pero alam ko nakanganga na ako.

Balik sa realidad.

Antok na antok talaga ako. Hindi ko magawang labanan ang pagpikit ng mata ko.

Lumingon ako sa labas. Maraming puno. *Wala man lang ba akong makikitang kakaiba sa mga puno na ‘to?*

May babaeng nakaputi sa gitna ng mga punong kahoy. Hala? Malikmata.

Pikit na lang ulit.

Dilat.

Valenzuela na ‘ko.

Hindi na ko pipikit baka masarapan pa ko.

Shet. Nagugutom na ko ng sobra. Hindi ako nakapaghapunan kagabi. Itinulog ko na lang ‘yung gutom ko eh. Pandesal na tigpipiso, ‘yung matigas at hindi hangin ang laman, inalmusal ko bago ako bumyahe. Kaya ang plano ko ngayon, bibili ako ng pagkain.

Pagbaba ko sa bus, para akong lasing na nakasinghot ng katol na sinasawsaw sa rugby. Pakiramdam ko nakalutang ‘yung paa ko sa lupa. Sabog.

Diretso lang sa dapat puntahan sabay uwi.

Nagbanlaw sandali para medyo fresh. Nagsuot ng uniform. Saka bumyahe papuntang school.

Whew. Puro na lang ako byahe. ‘Di ko na naasikasong kumain, baka ma-late ako. Baka pagdating ko dun wala na akong abutan.

Sa wakas nakarating din ako sa school. Andun na ang 2A. Wala pa akong kaklase, ang alam kasi nila hindi pa ako umaalis sa Pampanga.

Nag-gm ako, kunyari traffic. Kunyari matatagalan pa ‘ko.

Saka ako tumayo at nanghunting na ng professor.

‘Yung English 105 na inuna ko kasi alam ko kung saan siguradong matatagpuan ‘yun. Sa library. Sa Education Building.

Kwento sa likod ng pimples ni Rosa XDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon