IDTCB 16.

1.1K 41 15
                                    

Iris POV

Natapos kami manuod at talagang nag enjoy ako. May gwapo kasi. At tuwing sinasabi ko na gwapo yung isang character nagmumura si King. Well, masanay na kayo. Cursing monster yan eh.

Napagpasyahan namin na kumain muna. Kaya dinala ko siya sa isang fast food. Ayoko kasi sa restaurant. Bakit? Basta ayoko lang at wala kayong pake

Umorder lang ako ng burger at fries para sa aming dalawa at dalawang softdrinks din. Ako na din ang nagbayad dahil ang kuya niyo walang dalang cash! Puro credit card! lintek siya na mayaman. -_-

"Damn it!" Bulong na naman niya.

"Kumain ka na nga lang kanina ka pa nagmumura." Sabi ko.

Hindi naman siya nagsalita ulit at kumain nalang ulit din.

Natapos kami kumain at ngayon ay naglalakad kami hindi ko alam kong san kami pupunta. Puta ngayon ko lang kasi nalaman na wala ding ka romance romance tong King na to. Bagay talaga kami.

Wait ano? Bagay kami? kelan pa kami naging bagay? tao kaya kami.

"Uwi nalang tayo kung wala na tayong pupuntahan kanina pa tayo lakad ng lakad. Masakit na paa ko." Reklamo ko sa kanya. Napatigil naman siya sa paglalakad at tumingin sa paligid at parang nakikiramdam. Okey? Anong nangyayare?

"Marunong kang mag drive diba?" Bigla niyang tanong.

"Ou naman anong akala mo sa akin? Tanga? di marunong mag dirve?"

"Good. Here's the Key go to parking lot now and drive my car, I'll wait you in the front door may gagawin lang ako saglit." sabi niya at biglang umalis kaya naman wala na akong nagawa kundi pumunta sa parking lot!

Woah! Yes! Mada drive ko na din sa wakas ang dream car ko!

Pero habang papunta akong parking lot ay pakiramdam kong may sumusunod sa akin. Kanina ko pa napapansin yan pagdating palang namin ni King dito sa mall alam kong may sumusunod sa amin ni King pero ipinagsawalang bahala ko lang.

Binagalan ko ang paglalakad. Hmm nangangamoy laban to ah. Tagal ko na ring di nakakasuntok. Nang naramdaman kong malapit lang yung sumusunod sa akin ay tumigil ako sa paglalakad at biglang humarap.

At wala akong nakitang tao kaya lalo akong napangiti. Hide and seek eh? Well I like that. Mabilis akong pumunta sa may poste at nagtago. Lumabas naman yung tatlong lalaking sumusunod sa akin na parang may hinahanap.

Sumilip na ako at tinignan ko nasan naka park yung kotse ni King. At laking tuwa ko ng nakitang malapit lang pala ito sa kinaroroonan ko.

Pinatunog ka naman ito at naagaw ang attention ng tatlong lalaki at dali daling pumunta sa may kinaroronan ng kotse ni King. Kaya naman ay nakagawa ako ng paraan para makalapit sa kanila.

"Ako ba ang hinahanap niyo?" Sabi ko. Mukha namang nagulat sila. Pero biglang nalang akong sinugod nung isang lalaki. Mukhang kampante sila na matatalo nila agad ako pero nagkakamali sila dahil magaling ata ako makipag basag ulo.

Sinuntok ako nung isang lalaki buti nalang at nakaiwas agad ako. Nagulat ata siya ng makaiwas ako kaya agad ko siyang sinuntok sa mukha at tinadyakan. Bigla namang sumugod yung dalawang lalaki. Sumuntok yung isang lalaki at naiwasan ko pero di ko inaasahan na susuntukin din ako nung isang lalaki at hindi ako nakaiwas kaya natamaan ako sa labi.

Ramdam ko yung dugo at nalasahan ko pa ang sarili kong dugo. Mga put*ngina nitong mga lalaking to. Nagkasugat pa ang maganda kong mukha.

Bumawi ako at sinutok ko yung isang lalaki ng napakalakas at hindi ito nakaiwas kaya ayun napaupo siya sa lakas kaya nilapitan ko siya at pinagsusuntok. Nang biglang may humila sa buhok ko kaya napahiyaw ako sa sakit.

I'm dating the campus badboy(#Wattys'17)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon