IDTCB 13.

1.1K 45 14
                                    

"Teka nga King!" sigaw ko at hablot ng kamay ko kay King, Nahulog na kasi yung mga mallows ko. Hindi ko naman makuha kasi hila hila ako nitong unggoy na to. Sayang yun! oh my ghad my baby mallows. Bwesit talaga tong unggoy na to kahit kailan sa buhay ko wala ng ginawang tama sa buhay ko.

"Ano ba?!" Sigaw niya at humarap sa kanya, Inirapan ko lang siya at tinuro yung mga supot ng mallows ko.

"Anong gagawin ko dyan?!" Nagtatakang tanong niya. Pinanlakihan ko lang siya ng mata kaya lalo siyang naguluhan.

"What?!"

"Pulutin mo t*ng*!"

"Bakit ko naman pupulutin yan?!"

"Kasi sinabi ko?"

"At sino ka naman para utusan ako?"

"Nagpapatawa ka ba King? Ako di mo kilala?"

"Ewan ko sayo! Napaka pilosopo mo talaga dyan ka na nga!" Aniya at umalis. At Putek na yun, hinila hila ako dito tapos iiwan din ako?! Humanda ka sa aking gago ka.

Tinggal ko yung isang sapatos ko at binato kay King na hindi pa nakakalayo. BOOM HEADSHOT!

"F*ck! Sino yun?!" Sigaw niya at tingin sa likod. Nang nakita niya ako ay dun niya lang napagtanto kung sino ang nagbato sa kanya. Pinulot niya yung sapatos ko at bumalik sa kinaroroonan ko na galit na galit. Well who cares?

"Ano bang problema mo ha?!" Singhal niya ng nakalapit na siya sa akin at binato yung sapatos sa akin.

"Anong problema ko? e' gago ka pala eh! Hinila hila mo ko dito tapos iiwan mo ko?! Tapos ngayon tatanungin mo kong anong problema ko?! Ang problema ko ay yung mga MALLOWS KO PUNY*T* KA! PULUTIN MO YUN MAS MAHAL KO YUN ESTE MAS MAHAL YUN KESA SA BUHAY MO G*G*!" sigaw ko sa kanya. Lalo namang dumami yung mga taong dumadaan at nagkaroon na naman ng mga bulong bulongan. Na kesyo ang lakas daw ng loob ko na sigawan ko itong hambog na unggoy na ito. Bakit ba? Pakialam nila? Pagsasaksakin ko silang lahat ng matahimik ang mundo ko dito mga boset sila.

"D*mn it! Iris! Mallows lang yang mga yan! Kayang kaya kitang bilihan ng isang truck na ganyan! Huwag kalang sumigaw dito! Hindi ka ba nahihiya ha?!" Anong hindi nahihiya? Ou hindi na ako nahihiya! Ikaw ba naman halos araw pinagtitinginan at pinagbubulungan ng mga tao, mahihiya ka pa ba?

"Wala akong pakialam kong kaya mong bumili ng isang truck na mallows, Bakit nagpapabili ba ako? Ang pinapagawa ko sayo ay pulutin yung mga mallows ko kasi binigay sa akin ni Oppa yun!"

"Wala akong paki kung binigay ni Jb sayo yun! At bakit mo ba dinadamay yun ha?!"

"Wala ka na dun! Pulutin mo yung mga mallows ko!"

"Eh kung ayaw ko?!"

"Baka gusto mong mag goodbye bigbike ka?" Sabi ko ng ikinalaki ng mata niya. Oh King sabi na eh, yung lang ang kahinaan mo.

"Anong sabi mo?!"

"Bingi ka nga, Pulutin mo yung mga supot ng mallows ko! Dalian mo kung ayaw mong goodbye bigbike kana." Ilang beses muna siyang nagmura bago niya pinulot yung mga mallows ko. Tumawa lang ako ng tumawa habang tinitignan siya pinupulot yung mga mallows ko. Lalo naman nagtaka yung mga chismoso at chismosa sa paligid kong paano ko daw napapasunod yung Unggoy na yun. Haha Kung alam niyo lang.

"Yan na! Dalian mo dyan pupunta pa tayong gym!" sabi niya at binigay sa akin yung mga mallows ko. Nginitian ko lang siya ng nang aasar.

"Yes boss." sabi ko at tumawa ulit. Hindi na niya ako pinansin at nagsimula ng maglakad kaya sumunod nalang ako.

Nakarating kami sa gym at nakita kong busy sa pagsasalita na yung bakla sa gitna. Nang makita niya kami ay napatigil siya sa pagsasalita at tumingin sa amin ay kay King lang naman. Ngumiti pa ng pagkalaki laki na kala mo nakakita ng anghel. Yuck kaya ayoko ko sa mga bakla eh, Makakita lang mga gwapo- wait ano gwapo?! Si King gwapo? baka unggoy.

I'm dating the campus badboy(#Wattys'17)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon