IDTCB 27.

1K 38 6
                                    

Iris POV

"Tigilan mo nga ako!, Ano ba kasing ginagawa mo dito sa dorm namin ha!? At sa pagkakaalam ko diba bawal kayo dito!?" Inis na sigaw ko. Pano ba naman di na nga ako pumasok tapos bubulabugin na naman ako ng bwesit na to. Ang bigat kasi ng pakiramdam ko at feeling ko tamad na tamad ako.

Dalawang araw na ring lumipas simula nung naging kami 'kuno' at sa dalawang araw na yun di na ako tinantanan ng lalaki to. At ngayon naman nanggugulo dito sa dorm. Wala pa naman si Chloe dito kasi pumasok, Kaya kaming dalawa nalang ang nandito.

"Bakit ba kasi ang sungit sungit mo ah!?" Inis na sigaw niya. Kanina ko pa kasi siya pinapaalis dito eh. Naiinis ako alam niyo yun? Naiinis ako!

"Paki mo ba?! Ano ba kasing ginagawa mo dito?! Hindi mo ba alam na bawal ang lalaki sa loob ng dorm ng mga babae?!" inis na sigaw ko sa kanya, Wala na nga ako sa mood lalo lang akong nawawalan ng mood.

"Alam ko naman."

"Alam mo pala bakit ka nandito?!"

"Miss na kita."

"Miss mo mukha mo! Parang hindi tayo nagkita kahapon ah?"

"Bakit kasi hindi ka pumasok kanina sa first class natin? Akala ko late ka kasi ang bagal-"

"Aba talagang nanglait ka pa!" sabi ko sabay batok sa kanya.

"Nag-aalala na nga yung tao sayo nanakit ka pa! Sadista ka talaga!" naiinis na sabi niya.

Pagkaming dalawa lang talaga ang magkasama wala kaming magagawang matino. Hay naku laging may gera.

Argh! nagugutom na ako, Hindi pa kasi ako kumakain kasi tinatamad ako magluto. Paki niyo ba? Eh talagang ganito ako pag meron ako. Ou meron ako, Girls thing,

"Magluto ka nga King! Nagugutom na ako." Utos ko sa kanya.

Agad namang nanglaki yung mata niya sa sinabi ko.

"Ano?! Ako?! Inuutusan mo!?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tignan mo to hindi na talaga nagbago.

"Bakit ayaw mo?!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"Bakit kasi ako pa?! Ikaw yung babae diba? Tapos sino bang kakain ako ba?! Ikaw diba?! Magluto ka mag-isa mo!" Pabalang na sagot niya. Tapos tinalikuran ako. Pst, Nagtatampo lang yan.

"Ayaw mo?!"

"Ou!"

"Eh, ano pang ginagawa mo dito?! Umalis kana! Wala kang pakinabang bwesit!"

"Talagang aalis na ako! Nakakainis ka! Kanina mo pa ako pinapaalis! Dyan ka na nga!" At tumayo na siya. At talagang aalis siya ha? Bahala ka dyan! Kala mo ah?

"Wait lang." Pigil ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin ng naiinis.

Naiinis ka sa akin? Pwes naiinis din ako sayo!

"Break na tayo! Bwesit ka!" Yun lang yung huling sinabi ko at tumayo na papuntang kusina.

Nagugutom na talaga ako. Wag niya akong iinis pag NAGUGUTOM AKO! AT PAG MERON AKO! PESTE SIYA.

Ilalagay ko na sana yung ham sa kawali ng may humablot nito sa akin. Nalita ko naman si King na seryosong nakatingin.

"Bakit ka nandito?! Diba sabi mo aalis kana?! Akin na nga yan!" sabi ko at inaabot yung ham sa kanya.

"Sabihin mong hindi totoo yun." seyoso pa din siyang nakatingin sa akin.

"Alin?" Nagtatakang tanong ko.

"Yung Break na tayo. Sabihin mong hindi totoo yun." seryoso pa din siya nakatingin sa akin.

Parang bigla akong nakonsensiya sa sinabi ko kanina. Nadala lang ako sa galit ko eh. Nadala lang ako ng inis ko kaya ko nasabi yun. Hindi ko naman sinasadya.

I'm dating the campus badboy(#Wattys'17)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon