IDTCB 31.

1K 39 7
                                    

Dedicated to darkestjewel

Iris POV

*phone ringing*

"What?!" Sagot ko sa tumatawag, Istorbo kasi ng tulog, Tinignan ko yung wall clock dito sa kwarto ko at 4am palang! Ano bang problema nito.

Walang sumasagot sa kabilang linya kaya tinignan ko kung sino ang caller, At naka register ang pangalan ni King.

Anong problema na naman nito?! Madaling araw palang istorbo na siya!

"Kung wala ka din naman palang sasabihin, Huwag kang istorbo ng tulog ko! Madaling araw palang!" Sigaw ko.

"Iris! Si King nasa gym! Kanina pa siyang gabi dun ayaw niya tumigil! Baka mamatay na sa pagod yun!" Narinig kong natatarantang sigaw ni Ace.

At ano daw si King nasa gym?! Nang ganitong oras?! Tanga ba siya?!

"Anong ginagawa niya dyan?!"

"Naglalaro ng basketball, Kagabi pa namin siya pinapatigil pero ayaw niya, Kaya ikaw na tinawagan namin baka mapatigil mo siya, Ikaw lang naman sinusunod nun eh."

Kagabi pa siya naglalaro?! Magpapakamatay ata yung lalaking yun eh.

"Bigay mo sa kanya yang cellphone niya! Kakausapin ko siya!"

"Ayaw niya magpalapit! Pumunta ka nalang dito! Dalian mo!" Sabi niya ay pinatay ang tawag.

What the?! Pinatayan ba naman ako ng tawag?! Lintek yun ah! Sasapakin ko talaga yun pag nagkita kami.

Bwesit talaga yung unggoy na yun! Pagkatapos niyang iwasan ako tapos ngayon magpapakamatay siya sa pagod?!

Iniiwasan niya kasi ako simula nung nangyareng sagutan namin ni Lexi, Siya pa may ganang umiwas eh siya na nga yung may kasalanan!

Argh! Iris hindi ito oras para mag story telling ka, At kailangan mo pang puntahan yung boyfriend mong may balak atang magpakamatay.

Damn! I grab my cardigan at dali daling lumabas ng dorm.

Lakad takbo ang ginawa ko makarating lang ako ng mabilis sa gym.

Pag dating ko sa gym ay tahimik lang, Wala ngang tao eh! Ni walang bakas na King! ni anino wala! Wala ding bakas na may nanggaling na tao dito!.

"Putangina talaga! Pagnakita kita Ace sasapakin talaga kita! Argh!" Inis na sigaw ko at sinabunutan ko pa yung buhok ko sa sobrang inis ko.

Bwesit talaga, Naudlot yung tulog ko para lang sa wala?! Malilintikan talaga sila sa akin mamaya! Argh! Bwesit!

Naglakad na ako palabas ng gym ay nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ng may nagtakip ng mata ako hinila ako pabalik.

"Punyeta naman! Sino ba to ha?! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko nag pupumiglas, Pero ang higpit ng pagkakahawak sa akin kaya sumasakit yung tyan ko pag napupumiglas ako.

"Bwesit talaga! Ano ba?!" Nakarating na kami sa loob ng gym at pabagsak akong pinaupo sa upuan na nasa gitna.

Wait? Walang upuan dito kanina ah! Pano nagkaroon ng upuan dito?

Tinignan ko kung sino ang hinayupak na nagdala sa akin dito at laking gulat ko ng makita ko si

"Vlad?! What the?! Anong nakain mo at dinala mo ko dito?! Kanina si Ace tapos ikaw naman?! Pinagloloko niyo ba ako?!" P*ta hindi ko aakalain na si Vlad yung nagdala sa akin dito!

Mas iisipin ko pang si Ethan o Nickollo eh, Pero si Vlad?! Nakakapagtaka!.

"Hoy anong ginagawa mo?!" Takang tanong ko kasi itali ba naman yung kamay ko sa likod ng upuan pati paa ko itali?!

I'm dating the campus badboy(#Wattys'17)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon