IDTCB 25.

969 35 3
                                    

Iris' POV

"Iris! Gumising kana! May sundo ka!" Rinig kong sigaw ni Chloe habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

Anong oras na ba? Ang aga aga pa eh.

"Iris!!!" Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa pinto ng matahimik na itong bungangerang Chloe na to.

"What?" Tanong ko.

"May sundo ka! Di mo sinabing may nangliligaw na pala sayo!"

"Sino?" Nagtatakang tanong ko. Last time I check , wala akong mangliligaw.

"Sino ka dyan! Nag mama-ang maangan ka pa eh."

"Whatever." sabi ko lang at pinagsarahan ko lang siya ng pinto.

Kung sino mang hudas na mangliligaw ko daw, Wala akong pakialam. Ginulo niya tulog ko.

Dumiretso na ako sa cr at ginawa ang aking daily rituals. Hindi naman ako ganon kaarte sa katawan kaya mga 15 mins. natapos na din ako.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Kumuha lang ako ng tinapay at umalis na.

Paglabas ko ng dorm nakita ko si King na nakatayo, habang nakangiti.

"For you." Sabi niya sabay bigay ng isang red rose.

"Anong gagawin ko dyan?" sabi ko at kagat sa tinapay ko.

"Kukunin mo?"

"Hindi ako patay King para bigyan ng bulaklak."

"Pero di naman ito bulaklak ng patay ah."

"Whatever." Yun lang sinabi ko at hinablot sa kamay niya yung rose.

"Ang sweet mo talaga." Sabi niya with a full of sarcasm.

"Well, thank you for this!" sabi ko at naglakad na paalis.

Napahinto naman ako ng Kinuha niya yung bag ko.

"Ako na magdadala." Naka ngiti niya ulit sabi.

"Wag ka ngang ngumiti ang creepy." Totoo naman eh Ang isang dakilang King ay ngumingiti sa harap ko. Sa pagkakaalam ko di marunong ngumiti yan eh.

"Okey," Wow, di siya nakipag talo ngayon. Nakakakapanibago.

"Ang gaan naman ng bag mo, May laman ba to?" out of nowhere niyang tanong.

"Ou naman."

"Anong laman nito? May mabigat pa bag ko eh."

"Isang notebook at isang ballpen, Yung phone ko, at wallet." sagot ko. Yung wallet ko ay may lamang cash in case of emergency.

"Wow, Huwarang studyante." pang aasar niya.

"Eh bakit ikaw? ano bang laman ng bag mo?"

"Well-" hindi ko na siya pinatapos dahil hinablot ko sa balikat niya yung bag niya.

Walang sabi sabi ay binuksan ko yung bag niya. May nakita akong isang notebook, yellow pad, Nakita ko din yung phone niya pero di makakawala sa paningin ko yung--

"Wow, mallows!" May mallows kasi sa bag niya.

"Mamaya ko pa sana ibibigay sayo yan, wala na nakita mo na eh. Tss." Rinig ko sabi niya pero di ko na siya pinansin at nagdere deretsong maglakad.

Hanggang sa makarating na kami sa room namin. Nagulat ata yung mga kaklase ko ng sabay kaming pumasok at hawak niya gamit ko. at hawak ko bag niya!.

Patay malisya akong pumunta sa upuan ko. Hindi ko na pinansin yung mga mata ng kaklase ko na kala mo papatay ng tao.

Nilapag ko sa upuan ni King yung bag niya at inabot naman niya yung bag ko.

I'm dating the campus badboy(#Wattys'17)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon