IDTCB 8.

1.1K 60 46
                                    

-Iris's POV.

"Date me."

"Date me."

"Date me."

"Date me."

Paulit ulit na nag p-play sa utak ko yung sinabi niya. Ano daw ulit?

"Date me."

"What?!" sigaw ko sa kanya ng mapagtanto ko yung sinabi niya.

"Why? Ayaw mo? Okey madali naman akong kausap, Sige iwan na kita may klase pa ako." sabi niya at nagsimula ng umalis.

Ano ka ba Iris?! Dito din naman babagsak yun eh! Pumayag kana ng makita mo na yung baby mo, at papayagan ka pa ni HM na umalis kahit kelan mo gusto!

"Wait!" pigil ko sa kanya, Tumigil naman siyang maglakad at humarap sa akin ng nakangiti.

"Bakit?" ngiting tanong niya kaya lalo akong nainis. Alam ko naman kaya siya ngumingiti para asarin ako! Argh! Damn!

"Papayag ka ba o hindi? Your wasting my time." sabi niya at lumapit sa akin.

"Date me and you see your so called BABY if you don't like so I guess you don't see your BABY." dugtong niya. At pansin ko lang tuwing pinabanggit niya yung word na baby parang naiinis siya?. Hay wag mo na ngang intindihin yun Iris.

"Fine!" pagsang ayon ko sa kanya.

"Papayag ka din pala, pinatagal mo pa." sabi niya at hinila na ako paalis dun. Hindi naman na ako nagpumiglas pa at nagpahila nalang sa kanya. Ang hilig talaga manghila nitong lalaking to.

Nakarating ulit kami sa HO nila pero ngayon dumiretso kami sa may likod. May kung anong pinindot siya dun sa may gilid password siguro? Pagkatapos ay biglang bumukas yung pinta at tumambad sa amin ang napakaraming iba't ibang klase ng bigbike. Para akong nasa tindahan ng mga bigbike.

"Here." abot niya sa akin ng isang helmet. Kinuha ko naman ito at tinignan lang siya. Lumapit siya dun sa may pinaka malapit na bigbike na kulay itim. Ang astig tignan.

"Sayo lahat to?" out of the blue na tanong ko.

"Yes, At hindi alam ni mommy na may ganito ako kaya huwag mong babalakin na magsumbong." banta niya sa akin.

"Hindi ako sumbongera no." pabalang na sabi ko. Ako ba naman pagbintangan na magsumbong sa nanay niya? eh hindi nga kami close nun. Tas kung gusto kong mawala ito lahat ang dali dali lang naman sunugin ito eh.

Nagulat ako ng bigla niya akong hinila palapit sa kaniya at hinablot sa akin yung helmet at siya mismo ang nagsuot sa akin.

Bigla akong kinabahan, at pinagpawisan sa ginawa niya hindi ako makagalaw at nakatingin lang sa kanya.

Nang matapos niyang ikabit yung helmet ko ay inilalayan niya akong makasakay. Hindi na ako umangal kahit na alam ko namang sumakay. Parang may pumipigil sa akin na sigawan siya ngayon at enjoin ko nalang yung time.

"Kumapit ko kung ayaw mong mahulog." napabalik ako sa realidad ng narinig ko siyang nagsalita. Sa sobrang gulat ko ay bigla ko siyang nayakap. Narinig ko pa siyang tumawa sa ginawa ko.

"Hindi ko alam magugulatin ka pala." pang aasar niya kaya pinalo ko yung likod niya rinig ko pang daing niya.

"Ang sadista mo rin pala." 

"Ngayon alam mo na kaya huwag mo kong aasarin!"

"Sadistang pikon haha!" pang aasar niya ulit kaya pinalo ko ng ilang beses yung likod niya. Aray naman siya ng aray pero di padin ako tumigil hanggang sa biglang niya paandarin kaya napayak agad ako sa kanya.

I'm dating the campus badboy(#Wattys'17)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon