Sampung buwan na ala-ala

79 4 0
                                    

Unang apak, nais na umatras;
Unang upo, nais na ang araw ay lumipas
Unang sandali, ayaw nang manatili;
Huling sandali, ayaw nang bumalik.

Magulong silid, hindi maiiwasan;
Maingay na silid, laging nariyan;
Lahat naman ata ng section, maiingay,
Ngunit sa akin, iba ang taglay.

Hindi man lahat kayo ay malapit saakin,
Ngunit aaminin ko, ako'y naging masaya rin;
Kasama kayo, ay hindi mabubura sa ala-ala,
Bibitbitin ito hanggang sa pagtanda.

Salamat sa sampung buwan na ala-ala,
At sana, makita ang isa't isa, suot ang itim na toga;
Kukuha ng litrato hawak ang mga diploma,
Uuwi lahat na dala ang ngiti sa ating muling pagkikita.

Book of FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon