Ang lalaking may maskara

38 2 0
                                    

Tuwing nagigising, naluluha;
Laging napapaginipan ang lalaking may maskara,

Sa loob ng maskara, may sugat sa baba ng kaniyang mata;
Laging hawak ang puno ng dugo na espada.


Lagi siyang nakikitang nakikidigma;
Siya. Ang lalaking minsang nagsabi na ako'y dapat mamatay na,

Ngunit isang araw, sinabi niyang huwag akong aalis sa tabi niya,
At kung maaari bang makasama ako hanggang sa huli niyang paghinga.

Ipinangako ko lahat iyan;
Biglang dumilim ang kapaligiran,

Napabangong luhaan,
Kung iyon ay panaginip, bakit labis akong nasasaktan.


"Hahanapin kita sa mundo mo."
'Yan ang huli kong natandaan na sinabi mo,

At ngayon, tanda ko na,
Patawad at iniwan kitang mag-isa







(Inspired sa MLSHR hihi <3)

Book of FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon