Tagahanga

27 0 0
                                    

Hindi ko inakala na magiging isa ako sakanila,
Hindi ko inakalang ang dating pagkamuhing noo'y aking naramdaman,
Ay mapapalitan ng paghanga
Na sa iyo ko lang naranasan.

Unti-unti kitang nagustuhan
Hindi ngalang sigurado kung bilang tagahanga pa
At dahil doon, unti-unti ring nasasaktan
Nakakatuwa dahil sayo lang din ito naramdaman

Bilang isang tagahangang hanggang ngayon ay saiyo'y nakatingala,
Kailangan tanggapin na darating ang araw na iyo nang makukuha
Ang babaeng para saiyo, isa ring pangarap
Na nais makasama sa anumang nagaganap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Book of FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon